TCTS Chapter 5

2.7K 24 7
                                    

HOSPITAL..

Mika: Papa, this is so embarrassing!

Reklamo ng reklamo si Mika sa papa niya. Tatlong araw na siyang naka-confine sa hospital dahil LANG sa pagkakahulog niya ng apat na baitang sa hagdan.

Relax na nakaupo naman ang papa niya sa couch at nanunuod ng TV. Ito ang naging bantay niya ng araw na yun. Nag-grocery pa kasi ang mama niya.

Dad: Hindi basta-basta ang mahulog sa hagdan. You hit your head. You might have concussion. Tapusin nalang muna natin ang mga tests mo tapos uuwi na tayo.

Sobra siyang naiinis dahil hindi naman siya pasyente para bantayan buong gabi. Feeling niya tuloy naistorbo pa niya ang mga magulang niya na meron pang mga trabaho.

She just broke her ankle because of stupidity. Daig pa niya ang VIP kung asikasuhin siya ng mga doktor at nurses doon. Sobrang dami pa niyang pinagdaanang diagnostic tests para lang masigurado na ok lang siya. Her parents were freaking out. Pano daw kung makaapekto yun sa pagba-volleyball niya?

Ngayon lang daw kasi siya naaksidente ng ganun. Kahit nung maliit pa siya ay hindi daw siya nahulog sa hagdan kahit minsan. Katangahan lang naman daw kasi kung bakit siya nahulog.

Isang umaga ay wala siyang ganang pumasok. Mula ng di na niya nakakasama si Jeron ay parang wala na siyang ganang pumasok. Kaya ng nagmamadali siyang magbihis at naghahanda para pumunta sa training ay nakalimutan niyang magsintas ng sapatos. Ang resulta! Naapakan niya ang sintas at toink! Nahulog siya sa hagdan. Nakakahiya talaga!

Dad: Hindi pa ba dumadalaw si Jeron? Hindi ko na siya madalas na nakikita ah.

Hindi siya sumagot. Nanunuod siya sa TV.

Dad: Nag-away ba kayo?

Umiling siya.

Dad: Nag-umpisa na bang manligaw? (tukso niya) 

Mika: Papa naman eh!  

Dad: Ye, nagpaalam na siya samin. I'm sure na nabanggit na din 'to sayo ng mama mo. We appreciated that. Don't be too hard on that boy. I like him for you.  

Mika: You do? Really? (hindi makapaniwalang tanong niya, akala niya ay pagbabawalan siya nitong magkaboyfriend) 

Dad: Having a boyfriend is part of growing up. I guess accepting a daughter's boyfriend is part of being a dad. I trust both of you.  

Mika: You and mom didn't freak out when he asked permission to court me?  

Dad: Why should we? It's not as if he's already asking for your hand. Yun, talagang magugulat na kami. (tumawa ng mahina) 

Mika: So okay lang po kung maging boyfriend ko siya?  

Dad: You love him?  

Mika: I.. I d-don't know. 

Dad: I think you do.  

Mika: You really think I do??  

Dad: I think you do know you love him. It's obvious, Ye. Laging kumikinang ang mga mata mo pag nakatingin ka sa kanya. You smile now more often. Masigla ka kapag nasa malapit lang siya. Nitong mga nakaraang araw na wala si Jeron parang wala ka sa sarili mo. You even forgot to tie your shoelaces because you were too busy thinking about him.

Nag-init ang pisngi niya. She guessed she knew that all along. Ayaw lang niya itong aminin. Natatakot siyang baka mawala ang kontrol niya at ma-disappoint niya ang kanyang mga magulang.

Handa na ba talaga siyang tanggapin ang inaalok ni Jeron? Sapat na ba ang assurance ng kanyang mga magulang?

Maya-maya pa ay nakarinig sila ng katok. Binuksan yun ng papa niya. Laking gulat niya ng makitang si Jeron pala ang dumating. Parang ilang marathon ang sinalihan nito dahil ito ay hingal na hingal pa. Idagdag pa ang "mahangin ba sa labas" look niya.

The Charmer & The Sweetheart (A JeMik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon