Dirty Fairytale FanFic: FOWN L. (1SHOT)

730 23 19
                                    

BABALA: Bawal ang KJ, CONSERVATIVE at pa-CONSERVATIVE dito dahil magkaka-problema lang tayo. At welcome naman sa mga nakapagbasa na ng Dirty Fairytale ni grei_zivheart, kung di niyo pa nabasa, well, andito ka na rin lang, basahin mo muna 'to. :D BABALA ULIT: Sa mga HORNY jan ngayon, wag mag-expect. Hindi PORN 'to, 'kay? Salamat. :)

===================================================================

Unang araw ko sa university. Grabe, hindi pa nga ako maka-get over sa summer outing ng pamilya namin tapos PASUKAN AGAD, 'no? Masaya pa mandin pag summer, kahit lahat nag-iinit. Oo masaya pa rin, siyempre kaliwa't kanan ang outings, in and out of the country. So ang pag-iinit ay NAIRARAOS din naman sa lamig ng tubig. Maka-upo muna nga dito sa MABUHOK na upuan. Oy, mabuhok kasi parang may felt paper na nakasapin? Paano ba dapat i-describe yun? O.o

Yung sa family outing namin, swak lang naman ang kasiyahan. Mas masaya kasi kung andun pa Mama ko e. Tapos hindi pa sumama Papa namin kasi di naman siya masyadong close sa side ni Mama. Sila kasi kasama naming magkakapatid e. Nakakainggit nga 'yung mga pinsan kasi namin may mga Mama. :) Pero swabe lang, nakasama naman kami para mag-relax hindi para mag-senti.

Sa *** Pansol, Laguna kami. Nagpa-picture pa nga kami sa matigas na slogan nila sa labas na may nakalagay na WET & WILD EXPERIENCE. Matigas kasi gawa sa bato yung bawat letra. Tapos di ba nakakatuwa yung slogan nila? Pinangangalandakan nila masyado na WET & WILD ang nangyayari sa loob ng resort nila e. Sinabi ko nga sa tita ko yung napuna kong slogan e. Binatukan ako, wala naman daw mali, green-minded lang daw talaga ako. Hala, parang napuna lang e. Sabi ko nga kay tita, "Hindi po, observer lang."

O siyempre matapos kami magpa-picture sa harapan, pumasok na kami sa loob. At wow. Wet & wild talaga! Ang kulit kasi nung slide, pahalatang hindi ko keri subukan. Ang haba kasi, tapos ang taba ng slide. So ignore na lang.

Diretso na ako at ang mga pinsan kong babae sa CR para maligo muna. Ako naligo talaga, gamit ko pa nga yung binigay ng tita kong glutathione soap e. Sila, nag-anlaw lang. Mejo baboy, 'no? Pero, sila yan e.

Nag-dress lang ako tas suot ko pa rin panty ko at pinatungan ko pa ng cycling short. Maigsi kasi yung dress na ipang-s-swimming ko kaya dapat naka-cycling. Aba, panahon lang ang moderno, hindi ako kasama dun. Ano yun, package-deal?!

"Oy, intayin niyo ko ha?" Sabi nung pinsan kong mataba na si Ate Didith.

"Sige lang." Sabi ko naman, sumagot naman din ng oo yung iba ko ring pinsan at Tita ko na nagbigay ng glutathione soap na andun. Pero dahil ayoko ng naghihintay, nauna na ako. Tutal may iba namang pwedeng maghintay kay Ate Didith e. :)

At feel na feel ko maglakad palabas. Mejo maikli kasi yung dress tapos tago din yung cycling ko kaya exposed ang sexy legs ko. Sayang nga e, kami-kami lang andun. Wala tuloy man-hunting operation. Haist. Alangan namang talunin ko pa mga tito ko o kaya yung dalawang asawa ng magkapatid na Didith at Mimi na pinsan ko o kaya Lolo ko? Yuck, kanila na yun. Tsk, badtrip talaga pag ganito e. Yung gusto mo may boyfriend kang lumalandi sa'yo? Este lumalambing. E, parehas naman din yun, basta para sa mag-syota.

Pagkatapos lumabas na din yung mga kamag-anak ko sa banyo. At nag-aya na yung tita ko sa pool. Siyempre ako, kumagat muna ng cheesedog na baon namin. Champoradong malapot lang kasi inalmusal ko habang nasa biyahe kami. Di ko pa na-enjoy kasi mainit tapos may buo-buo yung malapot na champorado. Buo-buong cocoa. Haist, kung buhay lang Mama ko edi tama siguro pagkaka-luto nung champorado. Masarap kasi magluto yun e.

Pagkatapos kong lumapang ng konti, ayun, sisid naaaa! Joke lang, di ako marunong sumisid, ni lumangoy nga o mag-floating man lang di ko kaya e. Paturo nga minsan, yung libre lang, ha? Kaya ayun, dahan-dahan lang akong pa-sexy bumaba ng hagdan ng pool. Siyempre dapat fine-feel mo yung dress di ba? Four feet pa lang naman kaya kaya ko pang tayuan yung depth ng pool.

Dirty Fairytale FanFic: FOWN L. (1SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon