Previous Page of 6Next Page

The Four Bad Boys And Me (Published)

Dedicated to
ItsTheCuteME
spinner.gif

Isang tao lang yung makaka sagot ng mga tanong, si Troy.

Sakanilang APAT, siya yung pinaka malapit kay Jeydon, at siya lang naman yung pwedeng mag sabi sakin, si kuya for sure hindi yun mag sasabi, lalo naman si Marky, eh baka hindi ko pa nga kayang kausapin yun eh >.< Alam ko alam niya yung mga sikreto ni Jeydon, Kahit inis pa din ako sakanya, may feeling ako na magaan yung loob ko sakanya.

Nag ring na yung bell, first class.

Pumasok ako sa classroom, yung mga classmate ko ang sama na naman ng tingin, ano pa bang bago? may mga nabasa pa akong post sa FB na kaya ako nag palipat sa last section kapag science para maging classmate ko si Jeydon! pathetic. Bakit ba lahat sila, tingin may gusto ako kay Jeydon? porket sinabi ko na hinalikan niya ko! arghh! kapag naaalala ko naiinis pa din ako, eh yun naman yung totoo eh.

"Good morning class.."

 

Yan na yung huling word na narinig ko  mula sa teacher ko, lumulutang na kasi yung isip ko, baka nakarating na nga ko ng moon kakaisip.  Hindi ko maiwasan na isipin si Jeydon, hindi sa may gusto ako sakanya ah, ewww. Nakaka gulat lang kasi siya kahapon, nung sinabi niyang hindi na niya ko guguluhin, feeling ko sobrang nalungkot siya sa ginawa niya sakin, siguro nga na alala niya yung kapatid niya. Nung nalaman ko na  namatay yung kapatid niya dahil sa tinago niya yung Inhaler, parang naawa ako na nalungkot at the same time guilty, kahit hindi ko pa nararanasan yung ganun, alam ko na mahirap yun sakanya, lalo na sarili niya yung sinisisi niya. Hays tapos kung ano ano naman pinag sasabi ko! Hindi ko akalain na lalambot puso ko kay Jeydon, yung lalaking yun.. pero hindi dapat ako mag pakampante, siya na din nag sabi na hindi pa din niya ko lulubayan.

Okey na sana eh, kaso nag bago na naman isip, Bipolar lang? nag simula na naman akong asarin. Kainis talaga yun! pero bakit kaya niya ako tinulungan? obvious naman eh, ayaw lang niya umamin, tss. At higit sa lahat, bakit ang galing niyang makipag basag ulo, eh sabi nila hindi siya mahilig makipag suntukan, at sa nakikita ko, totoo naman yun, mahilig lang siya makipag away verbally.

Napatalon ako sa upuan ko nung marinig ko na yung bell, lunch na agad? ang tagal ko pa lang pre occupied. Eto kasing Jeydon na to eh! Ang bilis pala ng oras kapag lutang utak mo eh noh? haha. First time ko kasi hindi makinig sa teacher eh, nerd nga eh di ba? -__-

Imbis na mag tago ako, pumunta sa hallway na tinambayan namin ni Tiffany dati, pumunta ako sa canteen, kahit ayaw ko naman talaga. Kakamustahin ko kasi si kuya eh, sinabi ko kay mama trip lang niya mag stay kala Marky, buti naman naniwala. Kaso nag aalala yun, pati din ako, kaya kelangan ko siyang makausap. Ngayon lang yung time na pwede kasi hindi naman siya sa bahay uuwi mamaya.

"Hi Betty!" tinapik niya yung likod ko, Ouch ha! nanadya ata to si Troy eh.

Hindi ko na siya naka usap, derederetso kasi siya papunta sa canteen, pumunta na din ako dun.

"PANGET!"

"NERD!!"

"HAHAHA ILUSYUNADA!" 

Lumingon ako, yung mga studyante nakatingin sakin, ako pala yung nilalait nila? anong meron? sapakin ko na sila eh. Ako na naman napag tripan -__-

Pag lapit ko sa tambayan ng APAT, aba wala si kuya.

Si Jeydon napa tingin sakin, ang laki ng ngiti, anyare? si Troy naka tingin sa iPad niya, naka ngisi. Si Marky naman as usual, naka headset at naka tingin sa malayo. Weird.

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (625)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Kim Ki Bumas Jeydon Lopez
Yoon Eun Hyeas Candice Gonzales
Kim Jeong-hoonas Marky Lim
Song Joong kias Troy Mendoza
Jung ii wooas Charles Gonzales

Who's Reading

Recommended