Chapter 9: Bad day

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumango lang ako. Kinausap niya ba talaga ako?
Noong wala na si Marky, hinarap ko ulit 'yong dalawa.

"Ikaw! Kaya pala tinapik mo 'yong likod ko kanina kasi nilagay mo 'yan!" Binato ko si Troy ng bote ng tubig. "At ikaw, Jeydon! Humanda ka sa 'kin!"

"Wow, natatakot ako, ah," sarcastic niyang sabi.

"Matakot ka na talaga!"

"Try me."

Ah, gano'n, ha? Sinuntok ko siya sa mukha. Ang sakit, promise, pero hindi ko pinakita.

"Masakit pala talaga, ang kapal kasi ng mukha mo!"

Lahat na ng mga estudyanteng nasa canteen, nakatingin sa 'min pero wala akong pakialam.
"Bakit mo ginawa 'yon?"

"Hindi pa ako tapos sa 'yo, Jeydon Lopez!" 

Sinamaan ko siya ng tingin bago ako umalis doon.
Maaga pa, pumunta ako roon sa hallway na tambayan namin ni Tiffany. Kakain muna ako, pumapayat na ko, e. Kailangan ko ng lakas para kay Jeydon, kay Troy, at kay Kuya Charles, pati kay Marky. In short, sa Apat na 'yon!

Habang kumakain ako, may narinig akong nag-uusap. Hindi sana ako lalapit do'n pero narinig ko 'yong boses ni Marky kaya tiningnan ko kung sino 'yong kasama niya. Parang huminto sandali 'yong mundo ko noong nakita kong may kahalikan siyang babae. Para akong nasaktan. Pinilit kong lumayo roon dahil baka lalo lang akong masaktan kung manatili pa ako nang isang segundo.

Parang akong zombie na naglakad papunta sa classroom namin. Sobrang nasaktan ako sa nakita ko. Oo, wala akong karapatang magselos o ano, pero ang sakit talaga, e. Tatlong taon kong naging crush si Marky.

Pagpasok ko, umupo agad ako sa upuan ko at ipinatong 'yong ulo ko sa desk.

"Hoy, Betty!"

Dumagdag pa sa nararamdaman ko ang pang-aasar ng nilalang na nasa tabi ko. Kill me! Kill me now!
"Hoy, pangit na nerd!"

Hindi ko siya pinansin. Nasasaktan pa rin ako. Kapag nagka-crush ka nang todo na parang fan girl ka na, alam mo 'yong feeling kapag harap-harapan mong nakita 'yong crush mong may kahalikang iba. Napansin ko na lang na may isang tulo ng luha sa desk ko. Umiiyak na pala ako. Buti na lang, busy 'yong classmates ko at nasa likod ako kaya hindi nila ako napansin. Sino ba naman kasi ang papansin sa 'kin?

"Hoy, Betty! Bakit ka umiiyak? Ngayon mo lang ba na-realize na pangit ka?"

Tiningnan ko lang si Jeydon. Na-feel ko na namang tumulo na 'yong mga luha ko. Bakit ang OA ko? Siguro nga, tama si Jeydon. Na-realize ko talagang sobrang pangit ko at walang kahit sino ang magkakagusto sa 'kin.

Nagulat siya noong nakita niya akong umiiyak. Nakakapagtaka pero tahimik lang kaming dalawa.
Noong nag-bell na, kinuha ko agad 'yong gamit ko. Nakita ko si Jeydon, pinagkakaguluhan ng mga babae. Hindi ko naman ikakailang gwapo talaga si Jeydon, masama nga lang ang ugali.

Naglakad na naman ako na parang zombie papunta sa section nina Jeydon at Troy.

"Hi, Betty! Alam mo, sabi nga, dapat matuto tayong makuntento sa kung anong ibinigay sa 'tin. Tanggapin mo nang pangit ka."

Sa totoo lang, hindi ko na-gets ang lahat ng sinabi niya. "Pangit" lang ang narinig ko, e. Parang naiiyak na naman tuloy ako. Bakit kasi ipinanganak akong pangit? 'Yong mama ko, papa ko, kuya ko, lahat good-looking. Ampon lang ba ako?

Binilisan kong maglakad para hindi ako maabutan ng nilalang na 'yon. Noong makarating ako sa room, umupo na lang ako nang tahimik sa upuan ko. 

"Hi, Betty! Nasaan si Jeydon?" tanong ni Troy.

Hindi ko siya sinagot pero ayos lang kasi dumating na rin naman si Jeydon.

"Troy, malungkot si Betty."

Tahimik lang ako. Tiningnan ko 'yong mukha ni Jeydon at nag-pout siya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang.

"Bakit naman?" tanong ni Troy.

Tumingin siya sa 'kin. "Ngayon lang niya kasi na-realize na pangit pala talaga siya."

"Ngayon lang?" tapos nagtawanan silang dalawa.

Dumating si Sir Jason at binati kami, walang sumagot sa kanya. Tumingin siya sa 'kin, feeling ko, nag-alala siya. Mukha kasi akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ano kayang hitsura ko noon?

"Okay, so gagawa kayo ng project by pairs. May list na ko ng magiging magka-partner."

Sana hindi 'yong dalawang 'to 'yong maging partner ko.

"Candice at Troy."

Malas talaga!

Tumingin siya kay Jeydon, wala kasing partner 'yong lalaking 'yon.

Please lang, huwag mo sa 'min isasama 'yan, Sir!
"Jeydon?"

Bago pa makapagsalita ulit si Sir, nagsalita na si Jeydon. "I can do it on my own!"

"Okay, ikaw naman 'yong pinakamagaling sa class ko bukod kay Candice."

Siya? So matalino pala siya? Hindi halata.

"So get one sheet from this pile and pass the rest around, guidelines 'yan ng project n'yo."

Kukunin ko na sana 'yong paper pero kinuha naman ni Troy.

"Akin na, Troy!"

"Bakit? Titingnan ko rin, e!"

"Bahala ka."

"O." Kukunin ko na sana pero kinuha niya ulit. "Iyak ka muna ulit!"

"Akin na nga kasi! Bakit ba ganyan ka?"

"Gusto kasi kitang asarin, e!" tapos tumawa siya.
"Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!"

"Wala ako sa mood. Isaksak mo 'yan sa baga mo!"

"Wow!" biglang sabat ni Jeydon. "Pati pala mga pangit, nawawala sa mood?"

Tumayo ako, hindi ko na kaya. "Oo na, pangit na ako at walang magkakagusto sa 'kin! Masaya ka na?" Sinigaw ko 'yon sa mukha niya.

"Is everything all right, Candice?"

Napatingin ako sa room. Lahat sila, nakatingin sa 'kin. Ano na naman bang kahihiyan ang ginawa ko?
"Sorry, Sir." Umupo ako sa kahihiyan.

Baliw kasi 'yong Jeydon na 'yon, e. Tiningnan ko 'yong dalawa, sigurado akong pinipigilan nilang tumawa.

Noong umalis na si Sir, hinarap ko sina Jeydon.

"I hate you! Kayong dalawa!" Kinuha ko agad 'yong bag ko at tumakbo palabas.

Hindi pa nga ako nakakalayo, sobrang lakas na ng tawanan no'ng dalawa. Akala mo, nagwagi na sila, e. Humanda lang sila kapag okay na ako.

Lakad zombie na naman ako pabalik sa classroom ko.

"Ouch!"

Epal 'yong bumangga sa 'kin. Ang sakit ng pwet ko, diretso sa sahig, e.

"Mar-Marky?" Nakatingin ba talaga siya sa 'kin?

"Ah, sorry, ah." Bigla siyang umalis.

Wala 'yon, kahit banggain mo pa ako araw-araw, sabi ko sa sarili ko. Nag-sorry ba siya sa 'kin? Parang nag-hyperventilate na naman ako. 

Pumasok na ako sa room ko. Buong klase, lutang na naman 'yong isip ko dahil kay Marky. Buti na lang nga, hindi ako napansin ng teacher. Noong nag-ring ang bell, excited akong lumabas ng school at umuwi.
Lakad-zombie na naman ako.

"Betty!"

Huwag mong sabihing si Jeydon na naman 'yon.

➖➖➖

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon