Chapter 9: Bad day

4.1M 76.2K 20.9K
                                    


Nag-ring na 'yong bell, hudyat ng first class.

Pumasok ako sa classroom. 'Yong mga classmate ko, ang sama na naman ng tingin, ano pa bang bago? May mga nabasa pa akong post sa FB na kaya ako nagpalipat sa last section kapag science period ay para maging classmate ko si Jeydon. Bakit ba lahat sila, tingin nila ay may gusto ako kay Jeydon? Porket sinabi kong hinalikan niya ako? E, 'yon naman ang totoo.

"Good morning, class."

'Yon na ang huling narinig ko mula sa teacher ko. Lumutang na kasi 'yong isip ko at baka nakarating na nga ko sa moon kakaisip. Hindi ko naiwasang isipin si Jeydon. Noong nalaman kong namatay 'yong kapatid niya dahil itinago niya 'yong inhaler, parang naawa ako na nalungkot, and at the same time, guilty, kasi kung anu-ano 'yong pinagsasabi ko sa kanya.

Hindi ko akalaing lalambot ang puso ko kay Jeydon. Pero hindi dapat ako magpakakampante. Siya na rin ang nagsabing hindi pa rin niya ako lulubayan.
Napatalon ako sa upuan ko noong narinig ko na 'yong bell. Lunch na agad? Ang tagal ko palang preoccupied. Si Jeydon kasi, e.

Imbes na magtago ako, pumunta ako sa canteen kahit ayaw ko naman talaga. Kukumustahin ko kasi si Kuya. Sinabi ko kay Mama, trip lang niyang mag-stay kina Marky, buti naman at naniwala. Kaso nag-alala 'yon, kahit naman ako, kaya kailangan ko siyang makausap.

"Hi, Betty!"

May tumapik sa likod ko. Nakita ko si Troy. Hindi na ako nakasagot sa kanya, dire-diretso kasi siya papunta sa canteen kaya pumunta na rin ako ro'n.

"Pangit!"

"Nerd!"

"Ilusyonada!"

Lumingon ako. 'Yong mga estudyante, nakatingin sa 'kin. Ako pala 'yong nilalait nila. Sapakin ko na sila, e. Ako na naman ang napag-trip-an.

Paglapit ko sa tambayan ng Apat, wala si Kuya.
Si Jeydon, napatingin sa 'kin, ang laki ng ngiti. Si Troy, nakatingin sa iPad niya, nakangisi. Si Marky naman as usual, naka-headset at nakatingin sa malayo. Weird.

"Si Kuya Charles?" tanong ko.

"Hindi pumasok, e," sagot ni Troy.

"Okay." Tumalikod na ako. Bakit kaya hindi 'yon pumasok?

"Grabe, nakakatawa!"

Nilingon ko ulit si Jeydon.

Anong problema niya? Pati 'yong dalawa, napatingin sa 'kin, nahiya tuloy ako bigla.

"Anong tinatawa-tawa mo riyan?"

"Wala naman, Betty!" Tawa pa rin siya nang tawa.
"Huwag mo nga akong tawaging Betty!" Ayun na naman siya sa mga pang-aasar niya, ano pa bang aasahan ko sa kanya?

Tumayo si Marky, may kinuha siyang papel sa likod ko.

"LIBRE LAIT"

Sinong naglagay no'n? Teka nga, si TROY!

"Marky naman, bakit mo tinanggal? Ang KJ mo talaga!"

"'Yan lang ba ang kaya mong pang-aasar, Jaydee? Bumaba na yata ang standards mo."

"Shut up!" Kinuha niya 'yong papel. "Nagsisimula pa nga lang ako sa pang-aasar, e, atat ka naman!"
So siya 'yong may pakana?

"Sabi ko kasi rito kay Troy, gandahan 'yong sulat, e!"

"Bakit, okay naman, ah? Natawa ka nga, e!"

Ngumisi lang si Marky. Naglakad na siya palayo pero lumingon ulit siya at tumingin sa 'kin.

Sa 'kin nga ba talaga siya nakatingin? Parang gusto kong sampalin ang sarili ko.

"Kung gusto mong makita ang kuya mo, sumama ka na lang kina Jeydon mamaya sa bahay."

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon