Bonus Chapter: Gab's POV...♥

951 15 2
                                    

This Chapter is used to be in private. Pero dahil walang bumabasa, napilitan akong i-public. oh ayan na! enjoy kayo! \(^v^)/

This is also dedicated to Ate Camille Bunag. Sana mabasa niya to. (^v^)

Please, VOTE, COMMENT, LIKE, SHARE, SUPPORT, OR BE MY FAN if you like this chapter. God bless you all! \(^v^)/

~Love love yah all! \(^v^)/

_______________________

(December 27: 6 am in the morning)

Gab's POV:

*Kkriiing Kkriiiiiiing...*

Ano ba yung maingay na yun? Natutulog pa yung tao eh.

Tinignan ko yung cellphone ko.

May tumatawag..

"H-hello?"sagot ko habang nagkukusot ng mata.

"Gabby!"sagot sa kabilang linya

"Oh napano ka?" 

"Punta ka dito sa Starbucks puhlease???" 

"hah? Umuwi ka ba ng Pinas?" 

"Ayy hinde, sige sa Starbucks sa Paris ka pumunta." 

"Ahh, osige bye." 

"Wait Gabby! Punta ka ahh.." 

"Antok pa ko eh.."sabi ko tapos naghigab pa ko. 

"Ehh! Sige na puhlease?! May sasabihin akong importante, sige na puhlease?" 

"Okay, tumigil ka na sa kaka-puhlease mo, ipapa-pulis kita eh." 

"Gabby naman!" 

"O sige na, pupunta na ko." 

"Yey! Thank you tala----"

Binaba ko na yung phone.

Napansin kong may text kaya binasa ko muna.

______

Badmorning! huhuhu. (T____T)

Nakakahiya na nakakainis na nakakalungkot! 

Errr! 

I hate it! I hate him!

Someone? puhlease help me?

gm09

Dec. 27 20** 5:49 AM 

From: Jessica My Labs 

______

Tss, di ko pa pala nababago yung nilagay niyang pangalan sa contacts ko.haha 

Yun kasi yung tawagan namin dati, syempre siya yung nagsabi na yun daw ang tawagan namin.  

Tawag niya nga sakin, Gabriel My labs. 

Yung babaeng yun talaga oo! 

Di ko alam kung may tama ba sa ulo..haha.

Siya yung pinaka-close kong pinsan sa side ni Dad. 

Jessica Marie Garcia is her full name. 

Nakatira at nag-aaral siya sa Paris, France. 

Kasing edad ko lang siya kaya lumaki kami ng sabay so close talaga kami.

Love na naman siguro problema nung babae na yun kaya umuwi dito sa Pinas, para lang manghingi ng advice sakin.tsk tsk

Naghilamos muna ko, tinatamad pa kong maligo, malamig kaya yung tubig!

So pagkatapos ko, pumunta na ko sa Starbucks.

When CRUSH becomes LOVE...♥ [fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon