Chapter 8: Curious

3.7M 79.5K 20.8K
                                    


May kumatok sa pintuan. Pumunta agad ako roon para pagbuksan kung sino man siya.

Si Troy Mendoza.

"Nakita ko 'yong kotse ni Jeydon. Kinausap ka ba niya?"

"Oo, may sinabi siya sa 'kin." Kanina, pumunta si Jeydon sa bahay para kausapin ako at humingi ng sorry.

"So, ano pala ang sinabi sa 'yo ni Jeydon?" tanong niya sa 'kin.

"Nag-sorry siya. As if naman maniniwala ako!"
Kumunot 'yong noo niya.

"O, bakit?" tanong ko.

"Alam mo, alalang-alala sa 'yo si Jeydon. Totoo 'yon."

"'Sus! Baka masaya pa 'yon."

"Hindi, ah! Wala ka kasing alam."

Nagulat ako sa kanya. Bakit bigla siyang nagalit?
"Sorry, sorry napasigaw ako."

"Bakit? May nasabi ba akong masama?"

"Kasi, hindi ko dapat 'to sabihin, e."

"Ano ba kasi 'yon?" Pakiramdam ko, may malalim na dahilan.

"Dati kasi, si Jeydon, tinago niya 'yong inhaler ng kapatid niya kasi nag-aasaran sila. Kaso ayun, inatake ng hika 'yong kapatid niyang si Jenny at namatay."

Parang huminto 'yong mundo ko. Namatay 'yong kapatid niya? Hindi ko 'yon in-expect. "Hanggang ngayon, sinisisi niya 'yong sarili niya sa pagkamatay ng kapatid niya. Kaya noong nangyari 'yong kanina, naalala niya 'yong kapatid niya sa 'yo. Kaya galit na galit siya sa sarili niya sa ginawa niya. Sabi ko naman sa kanya, bata pa sila noon kaya hindi niya 'yon kasalanan."

Bago pa ako makapagsalita ulit, sinara na niya 'yong pintuan. Hindi ko inakalang may ganoong side din pala si Jeydon.

***

Umagang-umaga pa lang, nag-text sa 'kin si Kuya na hindi siya uuwi ng bahay at kina Marky siya makikitulog dahil puro pasa 'yong mukha niya. Nagdahilan na lang ako kay Mama para hindi siya mahuli. Sanay na ako sa ganoon, palagi namang nakikipag-away si Kuya.

Naglakad na naman ako mag-isa papasok ng school.
"Ikaw ba 'yong kapatid ni Charles?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Brandon, 'yong kaaway ni Kuya na taga-kabilang school. Ano namang kailangan niya sa 'kin?

"Nasaan si Charles?"

"Ewan ko." Naglakad na ako at hindi ko na siya pinansin.

"Huwag mo ako tinatalikurang pangit ka!" Hinila niya 'yong damit ko sa likod kaya napaangat na ako sa sahig.

"Bitawan mo nga ako! Pangit ka rin!"

"Gusto mo bang saktan kita? Pumapatol ako sa mga pangit, ha?" Mas itinaas niya pa ako na parang nasasakal na tuloy ako sa unifrom ko.

"Bitawan mo ako!"

Nakarinig na lang ako ng malakas na suntok. Nabitawan ako ni Brandon kaya ayun, nahulog ako sa sahig.

"Pati ba naman babae, pinapatulan mo, ha?"

"Wala kang pakialam dito, Jeydon!"

Paglingon ko, susuntukin na sana ni Brandon si Jeydon pero nakaiwas siya. Sinuntok ni Jeydon si Brandon sa sikmura kaya napahiga siya. Ang galing makipag-away ni Jeydon.

"Kilalanin mo kung sinong kinakabangga mo!"
Hinila ako ni Jeydon sa pagkakahulog ko. Tinanaw ko si Brandon sa likod at nakahiga pa rin siya.  

Tinulungan ba talaga ako ni Jeydon? At bakit niya hawak ang kamay ko? Para akong nakuryente.
Noong nakapasok na kami sa loob ng school, binitawan niya na 'yong kamay ko.

"Huy, bakit mo ako tinulungan?"

Hindi niya ako pinansin.

"Jeydon!"

Hinawakan ko 'yong kamay niya para pigilan siyang maglakad. Nakatingin lang siya sa mga kamay naming magkahawak. Bigla ko namang binitawan 'yon.

"Hindi kita tinulungan. Kaaway ko 'yong si Brandon kaya ko siya sinuntok."

Ah, gano'n. "Kahit ano pa 'yon, thank you, ah."
Tinaasan niya ako ng kilay.

"Thank you kasi hindi ako nasaktan doon. Tsaka sorry pala sa mga sinabi ko kahapon, hindi ko alam 'yong sa kapatid mo."

"Sinabi ba ni Troy?!"

Ay, patay. "Tinanong ko kasi. Sorry, ha?"

"Bakit mo naman tinanong, ha? Sabi ko na nga ba, gusto mo talaga ako, e!"

"Ha? Anong pinagsasasabi mo?"

Tumawa lang siya pagkatapos ay ginulo niya 'yong buhok ko.

"Okay lang 'yan, normal lang magkagusto ka sa isang gwapong katulad ko." Tawa pa rin siya nang tawa habang papalayo siya sa 'kin. "Bye, Betty!"

Nakakainis! Kahit kailan talaga, epal siya sa buhay ko! Palagi na lang niya akong ginugulo. Sana mawala ka na lang sa buhay ko, Jeydon Lopez!

➖➖➖

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon