Chapter 7: Guilty

3.6M 81K 15.9K
                                    


Pagpasok ko pa lang sa room nila, ang bilis na ng tibok ng puso ko. Sabi nila, mga barumbado daw 'yong mga estudyante sa last section. Bakit ba kasi ang malas ko?

"You will now be in Section Eleven kapag science time."

Pinaglalaruan yata ako ng tadhana. Makakasama ko pa talaga sina Troy at Jeydon.

"Wit-wew! Chicks, pare, o!"

Nanlaki 'yong mga mata ko. Bakit parang puro lalaki 'yong mga nandito?

"Magsalamin ka nga! Ang pangit niyan, e!" sabi no'ng lalaki.

E di, kayo na, kayo na 'yong mga gwapo!

Umupo agad ako ako sa tabi ni Troy, doon kami sa pinakalikod. Bakit kasi kailangan ko pa siyang maging partner? Tutor na nga ako, partner pa?Porket ba sinabi niya, susundin na siya ng teacher? Ano pa nga ba? Tito niya ang may-ari ng school, e. Hays.

"Hi, Candice."

Umupo ako, hindi ko siya pinansin.

Maya-maya, may biglang pumasok na halimaw. Si Jeydon.

"Hi, Betty!"

Hindi ko nga siya pinansin, pa-Betty-Betty pa siya.
"Welcome to hell."

Nilingon ko siya. Hell? Oo, tama ka. Makatabi pa lang kita, hell na hell na ang feeling ko.
Dumating si Sir Jason at pinakilala niya ako sa buong klase.

"Jaydee, bakit mo pala tinawag na Betty, si Candice?" tanong ni Troy.

"Kamukha kasi niya si Betty La Fea!"

Tiningnan ko siya nang masama pero hindi siya natinag. Kahit kailan, epal siya sa buhay ko.

"Ah, gano'n pala. Hi, Betty!" sabi naman sa 'kin ni Troy. Mag best-friend nga 'yong dalawang 'yon. Pati sa pang-aasar sa 'kin sanggang-dikit pa rin sila.
"Shut up! Tumahimik nga kayo!"

Tumawa silang dalawa, mahina lang para hindi kami marinig ni Sir Jason.

"Whatever, Betty," sabay pa sila.

Nakinig na ulit ako. Bakit kapag sila 'yong kaharap ko, hindi ko mapigilan 'yong sarili ko? Hindi ko matagalan 'yong pang-aasar nila.

Malapit nang matapos 'yong class, hindi pa rin ako nakakaganti sa Jeydon na 'yon. Akala niya ba, papatalo ako sa kanya? Hindi, 'no? Baka isipin niya pa, kakayanin lang niya ako porket ganito ako.

Tumingin ako sa sahig, may nakita akong ipis. Inapakan ko 'yon tapos unti-unti ko 'yong kinuha.

"Jeydon?" tawag ko tapos lumingon siya sa 'kin. Oras ko naman para mang-inis! "Tadah!" Nilagay ko sa harap niya 'yong ipis.

"What the?! Alisin n'yo 'yan!"

Nakakatawa 'yong mukha niya! Kalalaking tao, takot siya sa ipis.

"Ipis lang, takot ka?"

Lahat kami sa room ay nagtawanan, pati si Troy. Yes! One point for Candice!

"Shut up!" Kinuha niya 'yong bag niya tapos umalis na siya, galit na galit.

Ano bang problema ng taong 'yon? Pikon? Pero kapag siya 'yong nang-aasar, tuwang-tuwa siya.

"Ang bad mo, Candice!" sabi sa 'kin ni Troy.
Bakit ako? "Tama lang 'yon! Quits na kami. At ikaw, isa ka pa!"

"Kung ako sa 'yo, huwag mong ginagalit si Jeydon. Masamang magalit 'yon, e."

"Hindi ako natatakot sa kanya."

"Mabait ka naman, 'di ba?"

Pagbalik ni Sir Jason, pinaalis na niya kami, kaso kailangan daw kaming pumunta sa field para sa registration ng clubs na pwede naming salihan.

Lahat ng classmates ko, umalis agad. Naiwan kaming dalawa ni Troy. Nakita ko sa desk ni Sir Jason na naiwan niya 'yong notebook niya. Kinuha ko 'yon tapos hinabol ko siya para ibalik 'yong notebook.

Pagbalik ko sa room, hindi ko makita 'yong bag ko. Nasaan 'yon? Si Troy 'yong naiwan dito kanina, ah? Nasaan na kaya 'yon? Baka kinuha niya 'yong bag ko.
Tumakbo agad ako palabas ng room, pumunta ako ng field at hinanap ko siya.

"Troy, nasaan ka na?"

Pumunta ako sa lokcers namin, baka nandoon siya.
"Troy!"

Sumama na talaga ang pakiramdam ko kakatakbo kung saan-saan. Gutom lang ba 'to?

"T-Troy! Nasaan... nasaan ka na?"

Hindi na ako makahinga. 'Yong inhaler ko, nasa bag ko. Parang nanlalabo na 'yong mga mata ko. Napahiga na ako sa hallway. Troy, nasaan ka na?

"Candice? Hoy, Betty!"

Si Jeydon ba 'yon? "'Yong, inhaler ko."

Kinuha niya 'yong bag ko. At bakit nasa kanya 'yong bag ko? Kinuha niya 'yong inhaler tapos inabot niya sa 'kin.

"O, tubig?"

Naaninag ko na 'yong mukha ni Jeydon, parang alalang-alala siya. "Okay ka na ba?" Inupo niya ako.

"Anong nararamdaman mo?"

"Bakit nasa 'yo 'yong bag ko, ha?"

Umiwas siya ng tingin sa 'kin.

"Kasi ano..."

"Kasi pagti-trip-an n'yo na naman ako?"

Naramdaman ko 'yong mga luha sa gilid ng mata ko. "May magagawa ka ba kapag namatay ako?"

"Gusto ko lang namang gumanti, sorry."

"Ganti? Ayan! Nakaganti ka na! Muntik mo na akong patayin!" Tumayo ako at kinuha 'yong bag ko. "Ayan, Jeydon Lopez, nakaganti ka na sa 'kin. Masaya ka na?"

"Candice..."

Hindi ko na siya hinintay magsalita. Umalis na ako. Ang sama niya. Muntik na akong mamatay dahil sa ginawa niya. Bakit ba kasi nakilala ko pa siya?

Sana wala nang Jeydon Lopez sa buhay ko!

➖➖➖

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon