DYMA's MAIDEN: MADDIE

2.3K 54 16
                                    

DYMA'S MAIDEN

***

MAYAMAN.

GWAPO.

MATALINO.

MABAIT.

KAIBIG-IBIG.

ATBP. (Lahat ata ng positive traits sinalo na niya.)

Marami ang humahabol sa kanya.

Marami ang nangangarap na mapansin niya.

Marami ang umaasa na isa sa kanila ang kanyang magiging prinsesa.

Pero kung marami ang nababaliw sa kanya meron din namang hindi tinablan ng charm niya.

SINO?

AKO!

ECHOS!

Hindi ako.

Kundi si...

MADDIE FRANCISCO.

Bakit?

Aba'y ewan ko.

Isa lang ang sigurado.

Kay DYMA ay hindi siya interesado!

***

--TOOOOT University

"Maddie kung yelo ka lang kanina ka pang tunaw." Nakangising untag sa akin ni Jade.

Kunot noong tiningnan ko siya. Ngumuso siya na parang sinasabing tumingin ako sa likod ko. Lalo namang nangunot ang noo ko nang kumaway saken ang lalaking 'yun. As if wala akong nakita at binalik ko na lang ang atensiyon ko sa pagrereview.

"Haist! Yeah right. Pero sorry ka hindi ako yelo eh."

"Ay naku girl, 'kaw lang yata ang hindi mahumaling diyan kay Fafa Dyma, eh. Bakit nga ba?"

"Aba malay ko."

"Pahard to get ka lang ata eh."

"Ewan ko sa'yo. Kilala mo ako Jade. Wala akong panahon sa mga ganyan."

"Naku... Alam mo kung anong kulang sa'yo?"

"Ano? Yang love ek-ek na naman na yan?"

"Hindi! Kulang na lang sa'yo black na damit, eye liner, black lipstick, weird na gupit ng buhok samahan mo na din ng malaking headphone. Eh di kumpletos rekados na. Isang EMOterang baklita ka na."

"Shut up!"

"Alam mo Maddie hindi naman lahat ng tao ganu---"

"I said shut up!" Putol ko sa sinasabi niya. Alam ko kasi kung saan na naman hahantong ang napakawalang kwentang usapan na ito.

"I won't. HAHA. Pusong bato ka -- ohh-- scratch-that-baduy-yung-kantang-yun-eh -- pusong bakal ka---"

"Jade!" Putol ko ulit sa kanya.

"Pusong bakal ka. Binalutan mo ng bakal yang puso mo. Hindi na ikaw si Maddie na kilala ko. Para kang robot---"

"Ano ba?! Stop it!!"

"Why Maddie? Afraid to admit na tama ang sinasabi ng kambal mo?" Gulat akong napalingon sa lalaking nakikiepal sa usapan namin ng kakambal ko. Oo kakambal ko si Jade pero hindi kami magkamukha.

"Haist! None of your damn business! Alis!"

"What if ayoko?" Nakakalokong nakangiti siya sakin. MY GOD! Akala mo ang gwapo eh mukha namang aso!

"Eh 'di ako ang aalis!" Sabay tayo ko bago tinalikuran si Jade at ang lalaking yun. Pero naramdaman kong may kamay na humawak sa kanang braso ko.

"Not so fast my lady." Seryoso niyang sabi.

DYMA's MAIDEN: MADDIEKde žijí příběhy. Začni objevovat