CHAPTER 106 : INTERHIGH

5.4M 115K 240K
                                    

 MAX'S POV

Eksaktong pagkarating namin ni Randall sa labas ng SIS ay saka ko sya tinanong.

"Saan ba punta natin?" tanong ko.

"Sa puntod ni Daddy."

Sa puntod ba talaga ni Tito? Tss.

Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong maniwala.

May isang parte sa kalooban ko ang naiinis dahil hindi man lang muna ako nag-isip bago ako sumama.

Paano kung may makakita sa'min? Tss, kung anu-ano na namang maririnig ko nun pag nagkataon.

"Don't stare at me like that." natatawa kunwaring dagdag pa niya. "Don't worry, sa puntod talaga ni Dad ang punta natin."

You really know how read me.

"Wala ka na bang game mamaya?"

"Sa tingin ko wala na, walang nabanggit si Coach."

"Good." nakangiting sabi noya pa.

"But that doesn't mean na magtatagal akong kasama ka. Kailangan kong bumalik agad----"

"Don't worry. Ihahatid naman kita ng maayos Pein." matamis ang ngiting sabi niya. "I just want to visit Dad, with you."

Hindi ko na siya kinibo at naglakad na ako papunta sa motor ko.

"Ahh wait." pigil niya sa'kin. "We'll use my car."

"Nakakapag-isip ka pa ba ng tama?" seryosong tanong ko.

"H-Huh?"

"Tss. Maraming nakakakilala sa'tin dito at alam kung anong nakaraan meron tayo. Nandito ang mga Moon at ayoko lang may marinig na kung anu-ano kapag may nakakita sa'tin."

"I guess they won't mind kapag nalaman nilang bibisita lang tayo kay Dad?"

Hindi ko siya sinagot at nanatili akong salubong ang kilay.

Munit bahagya pa akong nagulat nung dahan dahan siyang lumapit sa'kin at hawakan ako sa magkabilang balikat.

"Please Pein? Kahit ngayon lang, samahan mo ko?" seryosong tanong niya habang nakatingin pa sa mga mata ko. "Bukod kasi sa'yo ay wala na akong kilalang ibang taong makakapagpakalma sa nararamdaman ko kapag si Daddy na ang nasa harapan ko. Hindi ko pa rin tanggap hanggang sa ngayon Pein, hindi--"

"Pagbibigyan kita, hindi mo na kailangang magdahilan pa." pigil ko sa sinasabi niya at bahagya naman siyang napahiya. "Pero wag mong uugaliin 'to dahil mas maganda kung sasanayin mo na ang sarili mo sa mga bagay na dapat ginagawa mo ng mag-isa." at saka ako naglakad papalapit sa parking lot.

Maya maya pa ay naramdaman ko ng sumunod siya sa'kin, pinauna ko siyang maglakad dahil hindi ko alam kung nasaan ang kotse niya.

"Kaya ko naman 'to mag-isa, pero mas kakayanin ko kung kasama kita." nakangiting sabi niya at saka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse. Hindi ko naman na siya sinagot dahil malamang may isasagot rin siya kaagad.

Tss.

Nung makasakay na kami sa kotse niya ay hindi na ako tumingin pa sa kanya at nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana. Pakiramdam ko kasi kapag humarap ako sa kanya ay magfaflashback sa harap ko ang nangyari nung gabing sinabi niya sa'kin ang lahat ng katotohanan.

Ayoko.

Hindi ko kaya.

Natatakot akong baka bumigay ang puso ko at sa huli..

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon