Chapter 45

1M 21.4K 5.1K
                                    

Chapter 45

"A-aray!" sabi ko habang hinahatak ako ni Drake. Pagkatapos sabihin ni Tripp na girlfriend niya ako at pagkatapos lumabas ni Drake mula sa van, hinatak niya na agad ako. Siguro takang taka si Tito Tristan kung bakit hinahatak ng pamangkin niya ang girlfriend ng anak niya! Ako din kasi naguguluhan!

Nahinto kami sa tapat ng SCA. Hawak hawak ko yung kamay ko. Hindi naman mahigpit yung pagkakahawak ni Drake, napilipit lang ako ng konti kasi pilit kong hinahatak pabalik yung kamay ko kanina.

"Sorry," sabi niya habang tinitignan niya akong hilutin yung kamay ko.

Napabuga na lang ako ng hangin. "Sorry? Sorry na naman?"

Gustung gusto ko siyang tanungin ng madaming madaming bagay pero ewan ko, natatakot ako. Hindi pa kasi ako handa sa kung anuman yung maririnig ko.

"Why are you with him?" Tanong niya sa akin tapos bigla siyang natawa. "Stupid question. Of course you're together."

Napanganga na lang ako sa narinig ko! Pinagbibintangan niya ba ako?!

"Wait lang, ha. Pinagbibintangan mo ba akong... niloloko kita?!"

Tinignan niya ako sa mata. "Why? Weren't you?"

Wow! Pwede bang himatayin ako? Ako pa? Ako pa ang nanloloko?! Seryoso ba si Drake?

"Naka drugs ka ba?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"No. How about you? Are you on drugs?"

"Hindi din!"

He shrugged. "Then why were you with my cousin?"

"Eh bakit kasama mo si Shaira?"

There. Natanong ko na. Bumuntong hininga siya. "I was busy..."

"Busy san? Busy ka talaga na wala kang time na puntahan ako kahit 5 minutes lang?!"

He looked me in the eye and nodded. "Trust me on this one, alright?"

Umiling ako. Ayoko. Ayoko ng magtiwala sa kanya. Tuwi na lang magtitiwala ako, ang bagsak ko palaging umiiyak sa kwarto mag isa. Eto na yung kinakatakot ko eh. Nagkakaron na ako ng trust issues. Ayoko namang maging paranoid pero hindi ko maiwasan. Lalo na na nanjan lang si Shaira sa tabi tabi... Willing na agawan ako ng boyfriend anytime.

He sighed. "Since when did you become so hard headed?"

"Since last week. Ang tagal nating hindi nagkita eh. Dami ng nagbago sa akin."

He looked quite sad. Bakit? Namiss mo ba ako, Drake? Sa loob ng halos three weeks nating hindi pagkikita, namiss mo ba ako? Kahit konti lang?

Ngumiti siya sa akin at hinawakan yung kamay ko. "Let's go to our house?"

Hindi ako nakapagsalita dahil dinala agad ako ni Drake sa sasakyan niya. Medyo kinilig naman ako nung sinuot niya yung seatbelt ko! Habang sinusuot niya bigla siyang tumingin sa akin tapos bigla niya akong kiniss! Mygosh!! Eto na nga ba eh! Isang kiss lang, nawawala lahat ng galit ko! Bakit ba ganun? Sobrang unfair! Dapat galit ako ngayon eh!

Nakarating kami sa bahay nila. Wait, bakit ang daming sasakyan??

"Ano'ng meron?" Tanong ko sa kanya nung bumababa kami ng sasakyan.

"Family reunion," sabi niya casually.

WHAT?! FAMILY REUNION TAPOS NAKASUOT AKO NG CA UNIFORM WITH MATCHING STRAWBERRY SYRUP STAIN?!

Binuksan ko pabalik yung sasakyan niya at pumasok uli ako sa loob. Medyo malapit lang naman yung bahay namin dito, pwede siguro akong maglakad pauwi??

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon