*preview*

Campus Royalties is now a published book, copyrighted by PSICOM (2013). You can avail it for P250.00 at the nearest bookstore! Thank you for supporting me and my story. I love you guys! Please support other published wattpad books, too. Whoo wattpad power!

***

CHAPTER 2

“Phew! Napagod ako dun ah!” hinihingal-hingal pa ako nun. Wa-poise!

“Eh kung di  ka ba naman sira eh! Bakit ka ba kasi tumakbo?”

“Eh ayoko dun eh. Pag-uusapan na naman nila ako!”

“Hey, hey! You two, don’t fight!”

Kitams. Pati friendship naming sinisira ng campus princess chorva na yan! Kairita.

Pumunta na ako sa next class ko. Sila Yna at Alice kasi sa kabilang building ang klase eh. Wala akong kakilala! Umupo na lang ako doon sa bandang dulo.

“Top 5?!”

Ay anak ng! Gulat ako dun ah! Bigla ba namang sumulpot sa harapan ko?!

“Sorry, nagulat ba kita?”

“Ah no. Uhm, bakit nga pala?”

“Ahh wala. Ako nga pala si Jessica.”

 

Jessica? As in yung top 2?

 

“Campus princess?”

“Yep!”

Sabi na nga ba eh! Pero nakakahiya naman. Kilala niya ako sa itsura pero ako di ko siya kilala. I mean, lahat pala ng top 10 di ko kilala. Pero at least kilala ko sila sa pangalan! Oh ha!

Umupo naman siya sa tabi ko. And the bulung-bulungan of our classmates has started. Errr.

“I’m Jessica Morales nga pala. Classmates pala tayo dito. Ang cool!”

“Ako naman si Tiffany Damian. Nice to meet you!”

Lumapit siya ng kaunti sa akin kasi yung mga classmates namin eh parang mangangain na ng tao eh.

“Nakakainis naman. Pwede naming kumilos ng normal eh. Student pa rin naman tayo dito di ba?”

Npatingin lang ako sa kanya. Oh my God! May kasundo na ata ako ah!

“Oo nga eh. Sa totoo lang, ayoko talaga ng title na campus princess. Di naman tayo celebrities para i-treat ng ganito di ba?”

“You’re absolutely right!”