TCTS Chapter 3

3K 39 12
                                    

Mika: (What the hell?) 

Jeron: Hi, Mika! 

Nadatnan niya itong at home na at home na nakaupo sa sofa. Kaharap nito ang mga magulang at kapatid niya. Mukhang kanina pa nag-eenjoy sa pag-uusap ang mga ito. Tinignan niya ito ng masama.

Mika: Anong ginagawa mo dito? At tsaka pano mo nalaman ang bahay namin?

Ang kapatid niyang si Miko ang sumagot sa tanong niya.

Miko: Dinadalaw ka niya ate.  

Mika: Dalaw? Bakit anong meron? Ok naman ako ah, wala akong sakit. 

Mom: Ye? (tinignan siya sa mata na parang may sinasabi) 

Jeron: Yup, I'm visiting you. And Michele's the one who told me where's your place. Matagal na tayong magkaibigan pero kahit once di mo man lang ako ini-invite dito.  

Mika: Magkaibigan? Tss.. talaga lang ha.

Ngumisi lang si Jeron na labis niyang kinainis. Anong kadramahan na naman 'to at bakit kailangan pa niyang pumunta sa bahay nito?

Nakaramdam din siya ng inis kay Michele dahil sinabi nito kay Jeron ang address nila. Oh well, crush nga pala nito si Jeron.

Dad: Ye, umakyat ka na muna at mag-ayos. 

Mika: (Mag-ayos? Para saan? Eh hindi naman artista ang dumating.)

Nakasimpleng spongebob t-shirt lang siya at nakapajama pa. Wala siyang pakialam kung makita man siya ng ibang tao na di nakaayos - lalo na si Jeron. Bahay niya 'to kaya magsusuot siya ng kahit anong gusto niya.

Mika: O, sige po. Akyat na muna po ako sa kwarto ko, inaantok pa po ako eh.

Nagmamadali na siyang umakyat sa kwarto niya ng may pahabol na sinabi ang kapatid niya.

Miko: Di mo ba ie-entertain ang bisita mo, ate? 

Mika: Kaya niyo na yan!

Sumimangot lang si Miko at naupo sa tabi ng papa niya.

Dad: Pasensiya ka na sa anak namin, hijo. Pagod lang talaga siguro yun dahil kahapon.  

Jeron: Not a big deal, tito. Sanay na ko sa mga babaeng hindi maintindihan ang mood. Hehe.

Nahiga na si Mika sa kama niya. Di pa din siya makapaniwalang nasa sala nila ngayon ang pinaka-annoying na lalakeng nakilala niya. Hay, kapag minamalas ka nga naman. Papikit na siya ng may marinig siyang kumatok.

Miko: Ate? (knock knock) 

Mika: Bukas yan. 

Miko: Baba ka daw muna sabi ni Papa. Maya mo na daw ipagpatuloy ang tulog mo.  

Mika: Ha? Eh, inaantok pa talaga ako eh.  

Miko: Eh, pano si kuya Jeron? Baka ma-bore yun dun. 

Mika: Look, hindi ko siya ininvite kaya hindi ko siya bisita. Pauwiin niyo nalang siya o kaya, kayo nalang ang magkwentuhan tutal parang close na kayong lahat agad. 

Miko: Hmp, ang suplada mo naman ngayon, ate.  

Mika: (sigh) Sige na, baba ka na dun. Matutulog na ako.

Few hours later..

Napasarap ang tulog ni Mika kaya di na niya namalayan ang oras. Pagbaba niya sa sala ay di niya lubos akalain na nandoon pa din si Jeron! Nakatulog at nakaligo na siya't lahat-lahat pero di parin umuuwi ito? At mukhang sasabay pa yata ito sa kanila para maghapunan. Anak ng teteng! Mas makapal pa pala sa inaakala niya ang mukha nito. Di lang si Miko ang kinaibigan nito kundi pati na ang mga magulang niya. Habang kumakain ay ito ang center of attraction.

The Charmer & The Sweetheart (A JeMik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon