Chapter 36

16.6K 295 28
                                    

“Julie!” Sigaw sa akin ni Kim. I pushed my swivel chair towards her. “Julie?!” Ang sama lang ng tingin sa akin ni Kim eh.

“Ano bang problema mo?”

“Wala ka na bang ibang ipapa-illustrate sa akin na kwento na hindi hamburger ang bida? Umay na umay na ako sa mga kwento mong puro hamburger ang bida, okay?!”

“Ano ka ba? Children love it.”

“Julie mag-isip ka na nga ng mas matinong kwento.”

“Matino naman iyan ah.”

“Hamburger’s Best Friend?”

“Ano ka ba, kaya nga tinawag ako ni Boss ng most creative writer kasi masyado akong creative. Illustrate mo nalang iyan at huli na iyan ngayong linggo dahil pagbabakasyonin na ako ni Boss.” I clasped my hand at pinagkiskis iyun. “Sa wakas malaya na ako.”

“Malaya na din ako sa hamburger mo.”

“OA mo rin Kim eh,” inirapan ko siya. “Habang may kwento ako may trabaho ka kaya magpasalamat ka sa akin.”

“Palayain mo na ang hamburger at mukhang makukuha ko na ang award ng the best hamburger illustrator in the Philippines.” Peru sa halip na mainis ako sa kanya ay ngumiti lang ako ng matamis. Okay lang yan, makakalayas na din ako sa opisina na ito ng ilang linggo. Booyah!

Sampung taon na ang lumipas simula nang umalis si Rome at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin na bumalik siya. Matagal na rin na panahon na hindi ko siya nakikita. Na mi-miss ko na nga rin siya. Gago naman kasi talaga ang lalaking iyun! Pagkatapos magtapat na mahal ako hayun at lumayas.

Sa lumipas na sampung taon marami na ang nagbago. Nagkaanak ulit sila Tita Cathy at si Tito Ralph ng babae. Five years old na si Rosette ngayon. Peru wala sila sa Pilipinas ngayon dahil pumunta sila sa Italy. Hindi ko alam kung kailan sila uuwi ng Pinas. Sila Mama naman at Papa ay bumalik na sa San Isidro at doon nalang mas piniling manatili.

Wala na din yung dati naming bahay sa Verona Village dahil may bumili na nun matagal na. Hindi ko nga lang alam kung sino. Kaya mag-isa akong umuupa ng apartment malapit sa trabaho ko. Isa na akong official writer ng storybook sa isang sikat na publication at kasama ko sa trabaho si Kim as my personal illustrator. Kumpara sa ibang publication ay pumapasok kami at may kanya-kanyang working space kasama ng partner naming illustrator. Trip ni Boss para daw maiba at ma-pressure ang mga writers at illustrators na kagaya namin. Kanya-kanyang trip lang din ang importante ay may sweldo. Mukhang pera lang e, ano Julie?

Pumasok muna ako sa isang fastfood restaurant at nagugutom na ako. Naiisip ko pa rin talaga si Rome. Simula kasi ng mawala siya ay hindi na siya minsan bumalik sa Pilipinas. Kapag tinatanong ko naman si Kuya Tobby kung may balita siya sa kanya sinasabi lang niya sa akin na kalimutan ko nalang daw siya.

Napasimangot ako, “Buti sana kong ‘di ko mahal ang isang iyun.” Kinagatan ko ang in-order kong yum burger. Kung dati ay nagawa na nilang lahat mapansin ko lang ang feelings sa akin ni Rome at mapabalik siya sa Pilipinas ngayon naman ay biglang gusto na nilang kalimutan ko nalang siya. I sighed.

Peru hindi naman din mawawala sa isip ko na baka nga kinalimutan na ako ni Rome. Siguro may girlfriend na siya doon o baka kasal na. Peru sa tuwing naiisip ko iyun parang gusto kong pumalahaw ng iyak. Hindi ko yata kakayanin na makitang may pamilya na siya.

Ano kaya kung nagpabuntis ako sa kanya? Iiwan pa ka niya ako o hindi na? Peru sino bang normal na babae ang magpapabuntis sa edad na 16? I know – AKO. Kung iyun lang talaga ang paraan para hindi umalis si Rome.

Ang manhid ko naman kasi noon. Kung sana hindi ako manhid baka noong kinder pa kami mag-on ni Rome. Sobrang landi lang eh.

“Hello,” naputol naman ako sa pagda-drama nang may umupo sa katapat kong upuan na isang cute na babae. “You look familiar?”

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon