Season 1 |29|>>#ILoveHimNotYou

91.8K 1K 161
                                    




>>|| k e n d r I c k' s p o v || <<

Napatingin ako bigla sa babae, may kapatid si Belle?

Akala ko nag-iisang anak lang siya?

Tiningnan ko ulit yung babaeng nagsasalita sa harapan ko. Glorie daw ang pangalan. Akala ko nga nung una ay siya si Anne Curtis kasi matangkad na nga sobrang puti pa. Ang layo ng mukha niya kay Belle.

"Remove the sarcasm, bitch. If I know, you're already vomiting by just saying I'm your sister, right?"

Naging tensed ang katawan ni Belle ng lumapit pa sa amin si Glorie.

Sa loob ng halos isang linggong pagkakakilala ko kay Belle ay ni minsan hindi ko nakitang umasta siya ng ganito. Ngayon ko lang siya nakitang...kabado.

Pero sandali lang yun, halos hindi ko pa nga ipinipikit ang mga mata ko ay nagbago na naman siya. Mas tumayo siya ng diretso at tinamisan niya pa ang ngiti niya sa kapatid niya. Pero kahit na alam kong napalitan na ng confidence yung pagiging kabado niya, nakita ko sa mga mata niya na hindi siya komportable.

Isa lang ang masasabi ko.

Ang galing niya magtago ng nararamdaman niya.

"Of course not my dear little Glorie. I don't want to get my mom angry if I will not call you, her bastard orphan, my sister,"

Ampon si Glorie?

Medyo nawala ang focus ni Glorie at nakita kong nawala ang ngiti niya sa mukha.

"Don't you dare call me like that, bitch."

Hindi ko kayang pigilan sila, alam ko kasing magagalit si Belle mamaya 'pag ginawa ko yun. Palaaway kasi masyado 'tong baliw na'to.

At isa pa pati din naman yung tatlong kasama ni Glorie , mukhang walang balak siyang pigilan. Para ngang sanay na sila sa pag-aaway ng magkapatid.

"Aw... How sweet of you to call me a bitch. You know I'm proud to be one, right? Anyway what do you want me to call you? Whore? Trying hard? A witch? Or Leech? Because if you'll gonna ask me, I'll definitely settle in calling you a bastard. Because it's so damn true,"

Ang weird ng pakiramdam ko, parang napuno ng tension yung paligid.

Ganito ba talaga sila?

"Bastard or not. Mom still chose me over you. Pinalayas ka nga niya 'di ba?" she said and then flipped her hair.

"FYI, it's my decision to leave that goddamn hellhole you call home. Anyway, I don't care about mom but remember this Glorie. My dad doesn't want you and the rest of the family hates you. At ako pa din naman ang tunay na anak so ibig sabihin, someday you'll work for me and my company. Please remember your place, okay? My dear pathetic sister."

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti.

Kahit sinong taong makakapanood sa kanila, alam ng lahat na si Belle ko ang nanalo.

Tsk. Bad influence talaga 'tong baliw na'to. Ang dating Kendrick baka kanina niya pa napigilan yung away at hindi nahuhumaling ngayon habang may nag aaway na magkapatid sa harapan niya.

"Get lost Bi---,"

"No, you get lost. At anong ginagawa ng sampid na kagaya mo dito?"

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon