Chapter 3: Isang Basura! Basura nga ba?!

1.1K 24 3
                                    

Ipinag-drive ako ng butler ko pabalik sa hotel. "Thank you, Gavin."

Nag-bow sya at ngumiti "It's always my honor to serve you, Master Allen."

"Sipsip mo talaga." Nginisian ko sya pagkatapos ay pumasok na ako sa aking kwarto.

Pagkasara ko ng pintuan. Mag-isa na lang ako.

Nakakatakot ang mag-isa.

Nakakatakot...dahil pakiramdam ko mababaliw ako ng dahil sa mga nakaraang hindi ko na mababago.

Kumuha ako ng beer sa ref at naupo sa aking kama habang nakasandal sa headboard.

Gabi-gabi kong napapanaginipan ang pagkamatay ni Jason. Ang pagtutok nya ng baril sa kanyang ulo habang nakangiting nagpapaalam sa akin.

Traumatic.

Nagconsult na ako sa psychiatrist, pero wala naman syang magawa. Nasasaakin rin raw ang solusyon para malagpasan ko ang bangungot na 'yun.

Pero kahit anong hanap ko sa cure para sa bangungot na 'yun. Hindi ko pa rin talaga makita. Para akong nanghuhuli nang langaw habang nakapikit. Alam kong nandyan lang sa paligid ko ang sagot, but I can't grasp onto it.

Tuwing gabi...dalawa lang ang pagpipilian ko...ang matulog at bangungutin, o ang manatiling gising nang lutang ang utak.

Ngayong gabi...napili kong manatiling gising.

Tumulala.

Uminom ng tatlong beer.

Nag-DOTA.

Nakinig ng musika.

Nagreview ng project prosals ng kumpanya.

Nagpapakabusy ako, para hindi ko maalala ang pangyayaring iyon.

Hindi ko alam kung bakit napadpad ang mga mata ko sa bag na props ko sa school.

Para kasing bumigat sya ng konti?

Baka nilagyan na naman yun ng mga pornographic DVD's ni Jin! Igaya pa ako sa kanyang malaswa. -__-+

Binuksan ko 'yun at sigurado akong may pumutok na ugat sa ulo ko sa inis.

"P*ta! Malilintikan ka sakin Jin Bartolome Almendras!"

Anong ginagawa ng lintik na notebook ng pangit na babae sa bus dito sa bag ko?!

Nagbuzzer ako at agad na pumasok ang butler kong si Chino.

Masyado akong tamad tumayo, kaya inihagis ko sa kanya ang basurang notebook na 'yun.

Parang tanga naman o! Gano ba kahirap ang may-ari ng notebook na iyon at panahon pa yata ng apes 'yun ginawa?! Nanlagas kasi yung mga pages, at hayun ang kwarto ko ay puno nang kulay brown na mga pahina -___-+

Nag-madaling limutin 'yun ng butler kong si Chino. Alam nyang ayaw ko ng makalat na paligid, dahil nawawala ako sa mood.

"Master, ano pong gusto nyong gawin ko sa diary na ito?"

Tumingin ako sa kanya. "Itapon mo. Isa lang yang basurang napadpad sa bag ko." Teka...teka...TEKA! ANO DAW?

"DIARY?! Nagpapatawa ka ba?" pinulot ko ang isang piraso ng papel na pinakamalapit sa kinauupuan ko.

~~~ ...Before I knew it, someone is always getting hurt because if me. I am not aftaid to die, but I am so afraid to live. ~~~

Kumabog ang dibdib ko kaya napahawak ako sa tapat ng aking puso.

Para akong nakakita ng multo sa kakaibang naramdaman ko.

Diary of My Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon