CHAPTER THIRTEEN

72.7K 971 178
                                    

Sumakay na si Summer at Gabby sa kotse nila at aba, kinilig naman si Summer dahil pinagbuksan siya ng pinto ni Gabby. Akala niya meant-to-be na sila. Feelingera talaga 'to, normal lang kaya yun.

Hindi rin naman masyadong nagtagal ang byahe nilang dalawa sa sasakyan kahit medyo traffic. Dahil habang nasa sasakyan sila, nagk-kwentuhan rin naman sila kaya hindi nila namalayan na mahaba pala ng traffic.

"We're here." sabi ni Gabby at pinatigil ang makina ng sasakyan nito. Ang bilis naman nilang makarating!

Pinagbuksan ulit siya ni Gabby ng pinto at inalalayan pang maglakad dahil nga naka-heels pa ang probinsyana nating maharot. Pero hindi naman sobrang taas ng heels niya, mga 3inches lang naman.

Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ay sinalubong kaagad sila ng isang lalaking may ribbon at sa pagkakatanda ni Summer ay waiter ang tawag dito. Nagsalita yung lalaki sa kanila at nagsabi ng

"Welcome to the Para sa mga Patay Gutom Restaurant, Ma'am and Sir."

Nagtanong naman si Gabby sa kanya kung nasaan yung pina-reserve niya na table. At sinamahan naman sila ng waiter dun sa place kung nasaan yun. Napaka-romantic ng place, tahimik at the same time ay nakaka-relax. First time lang 'to maranasan ni Summer.

"Here's the menu, Sir." inabot nung lalaki yung Menu kay Gabby. Naalala tuloy ni Summer ang nangyari sa kanila ni Clyde nang una silang kumain sa labas—kinamay niya ang spaghetti.

Tinignan nilang dalawa ang menu. Agad naman na nag-alboroto ang tyan ni Summer dahil kung titignan palang sa mga pictures ang pagkain, nakakatakam na talaga!

"Oh ikaw, Summer? Anong gusto mo?"

Bumalik naman bigla ang kaluluwa ni Summer sa sarili niya na nanggaling pa sa Pluto. "Ikaw...ikaw ang gusto ko."

Bigla naman na nanlaki ang mga mata ni Summer nang ma-realize niya ang mga sinabi niya. Wala pa pala yata siya sa sarili niya. Nasa Pluto pa nga yata ang kaluluwa niya.

"Really?"

"A-ah? A-anong sinasabi m-mo? Psh." Tulong! Pinagpapawisan na dito si Summer at pati ang kili-kili niya ay basa na rin. Sobrang nag-iinit na rin ang mukha niya.

"Ito pala yung order ko!" hinatak niya bigla yung Menu at tinuro kay Gabby yung mga gusto niyang kainin. Well, sa totoo lang, hindi niya talaga gusto yun. Pero bahala na! Ang importante, may maturo siya para maiba yung topic nila ni Clyde este Gabby!

"A-are you sure—"

"Oo!" natatarantang sagot ni Summer.

Walang humpay naman ang mga thoughts ni Summer sa kanyang isip habang kinakausap ni Gabby ang waiter at sinasabi ang mga orders nila. Bakit ba kasi napa-amin si Summer sa kanya ng wala sa oras? Sana panaginip lang 'to!

Sinisisi naman ni Summer ang kanyang tyan dahil sa sobrang pag-aalboroto nito ay bigla biglang lumabas ang mga kakaibang words sa kanyang bibig. Pwede rin na yung mga muscles sa bibig niya dahil bigla-bigla nalang na gumagalaw. Or, yun bang Vocal Apparatus niya dahil kusa nalang na nagsasalita. Aba! Nanisi pa ng mga internal organs!

Pakiramdam ni Summer ay mauutot na siya dahil sa sobrang kaba at pagka-taranta. Pero kailangan ay yung tahimik na utot lang dahil baka marinig siya ni Gabby—which is more nakakahiya like, ever.

Ayan na. Naramdaman na ni Summer na konti nalang ay may lalabas nang hangin sa kanyang pwet.

"Well, I like you too."

Biglang na-postponed ang utot ni Summer nang marinig niya ang mga sinabi ni Gabby.



***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon