Chapter 6.5.

Maiintindihan mo din lahat.

"Mom? Mom! Mommy? Mommy!"

Napaigtad ako. Tinitigan ko ang anak ko na para bang ngayon ngayon ko lang napansin na nadyan pala siya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang marealize ko na kanina pa ako nakatulala at kanina pa ako kinakausap ni Alex.

I smiled at him. "What is it, baby?" Hinaplos ko ang cheeks niya.

He pouted. He crossed his arms on his chest. "Kanina pa ako nagtatalk sayo, Mommy. But you are not listening pala. Isn't it too early to dream?" he asked innocently.

I stared at him in disbelief. "Isn't it that you're too young for your age to be sooo masungit, hmmmmm?" I said then I tickled him. He laughed.

"Mom! Mom! Stop it." Kiniliti ko pa rin siya. Tawa siya nang tawa at iwas ng iwas.

Nahiga kami sa kama ko ng humihingal. He hugged me. "Mommy? Ano po bang iniisip mo kanina?"

Napatingin ako sa kisame. Naalala ko ang nangyari kanina.

Nakatingin lang kami sa isa't isa. Ang mukha niya ay parang natuklaw ng ahas.

 

 

Kailangan ko nang umalis dito. Tama na ang masaktan ako noon. Hindi ko kayang makita pa siya ng matagal. Tama na naging masokista ako noon. Well, the witch is here. Alam ko naman na hindi rin niya ako gustong makita.

 

 

Lumingon ako kay Andrew. "Ahmm.. Drew, aalis na ako. May gagawin pa ako. Tsaka baka naabala pa kita."

 

 

"Hey, hind---"

 

 

"No, it's okay. Sige na. I'll go" Tumango ako kay Mrs. Tan na parang nagsasabing inaacknowledge ko ang presensiya niya. Mabilis na umalis na ako doon. Hanggang sa nakalabas na ako ng gate. Iba ang nararamdaman ko. Hindi ko namalayang tumatakbo na pala ako papuntang kotse ko. Sumandal ako doon at pumikit. Bakit ba kailangan ko pang makita sila? Bakit ba nandito sila?