Romancing The Ice Prince

Dedicated to
queenspawnxx
spinner.gif

Chapter 6.5.

Maiintindihan mo din lahat.

 

"Mom? Mom! Mommy? Mommy!"

 

 

 

Napaigtad ako. Tinitigan ko ang anak ko na para bang ngayon ngayon ko lang napansin na nadyan pala siya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang marealize ko na kanina pa ako nakatulala at kanina pa ako kinakausap ni Alex.

 

 

 

I smiled at him. "What is it, baby?" Hinaplos ko ang cheeks niya.

 

 

 

He pouted. He crossed his arms on his chest. "Kanina pa ako nagtatalk sayo, Mommy. But you are not listening pala. Isn't it too early to dream?" he asked innocently.

 

 

 

I stared at him in disbelief. "Isn't it that you're too young for your age to be sooo masungit, hmmmmm?" I said then I tickled him. He laughed.

 

 

 

"Mom! Mom! Stop it." Kiniliti ko pa rin siya. Tawa siya nang tawa at iwas ng iwas.

 

 

 

Nahiga kami sa kama ko ng humihingal. He hugged me. "Mommy? Ano po bang iniisip mo kanina?"

 

 

 

Napatingin ako sa kisame. Naalala ko ang nangyari kanina.

 

 

 

Nakatingin lang kami sa isa't isa. Ang mukha niya ay parang natuklaw ng ahas.

 

 

Kailangan ko nang umalis dito. Tama na ang masaktan ako noon. Hindi ko kayang makita pa siya ng matagal. Tama na naging masokista ako noon. Well, the witch is here. Alam ko naman na hindi rin niya ako gustong makita.

 

 

Lumingon ako kay Andrew. "Ahmm.. Drew, aalis na ako. May gagawin pa ako. Tsaka baka naabala pa kita."

 

 

"Hey, hind---"

 

 

"No, it's okay. Sige na. I'll go" Tumango ako kay Mrs. Tan na parang nagsasabing inaacknowledge ko ang presensiya niya. Mabilis na umalis na ako doon. Hanggang sa nakalabas na ako ng gate. Iba ang nararamdaman ko. Hindi ko namalayang tumatakbo na pala ako papuntang kotse ko. Sumandal ako doon at pumikit. Bakit ba kailangan ko pang makita sila? Bakit ba nandito sila?

 

 

Napaungol ako. Naalala kong dito nakatira si Andrew. At malamang sa malamang, makikita ko sila lalo na at may koneksiyon sila sa lalaki.

 

 

 

Napabuntong-hininga ako. Medyo malayo ang village nila Andrew sa village na tinitirhan namin pero hindi ko naisip na ang Xavier Global School na isang exclusive na kung saan nag-aaral si Alex ay ang pinapasukan ni Ginger na anak nila ni Bianca.

 

 

 

Naalala ko si Bianca, hindi ako nakapagpaalam sa kanya. Nagalit siya sa akin bago ako umalis dahil sa pagiwan ko sa kuya niya. Pero hindi ko naman alam na 'yon naman pala ang magiging huli naming pag-uusap.

 

 

 

"Mommy? Are you thinking about my dad?"

 

 

 

I froze. Napatingin ako kay Alex na inosentemg nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot. Napalunok ako.

 

 

 

"Baby..." Hindi ko magawang sabihin sa kanya.

 

 

 

"Why mommy?"

 

 

 

Pumikit ako then hugged him. "Baby, you know naman na there are things na you wouldn't understand. Kailangan mo munang maggrow up para maintindihan mo. Right, Alex?"

 

 

 

 

Hindi siya sumagot. Nakita ko siyang nakatingin sa kawalan at malungkot. Gusto kong magsabi sa kanya ng salitang walang kasiguraduhan para makakagaan ng loob niya pero hindi ko kaya. Hindi ko maatim namagsinungaling. Alam ko i'm being selfish. Alam ko nagdadamot ako pero hindi ko pa kaya.

 

 

 

"Baby, dito ka muna kay Mommy. I still can't afford to lose you... I still can't live without you... Hindi pa kita kayang i-share. Baka hindi ko kayanin. Baka..." Pumikit ako ng mariin.

 

 

 

 

I kissed him. "Balang-araw maiintindihan mo lahat.." bulong ko at pumatak na ang luhang pinipigilan ko.

Comments & Reviews (17)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Bernardo Velascoas Miguel
Alexis Bledelas Maria Rein

Who's Reading

Recommended