Friend Request 2: The Next Target

2.7K 80 73
                                    

“Nakita rin kita sa wakas.......... MASELGUART!” -----

- Jun Baboycar

3 Days Ago

Kaming apat ay nasa bahay ngayon nila Dennis, wala ang Daddy at Mommy nya dahil kakaalis lang patungong Hong Kong, mawawala sila ng 1 week kaya sila lang ng Kuya nya ang naiwan sa bahay. 10:30 na ng gabi, inaantay namin si Eugene para makasama namin dito, tinext na sya ni Alfred, pero hanggang ngayon wala pa, pero ang sabi nya parating na sya. May mga Kanya kanya kaming ginagawa, si Vincent ay nagfafacebook at may binabasa sa wattpad. Maya maya’y  bigla nalang syang parang nagulat, at may sinabi sa amin.

Vincent: Nakakatakot yung nabasa ko sa wattpad, yung Friend Request.

Alfred: Ay oo nabasa ko na rin yan, si Jun Baboycar?

Vincent: Oo, Check ko nga kung may totoong account to . . .

*MAKALIPAS NG ILANG MINUTO*

Vincent: Madami sila, puro poser ata yung iba. Pero merong isa na maraming friends, di kaya eto na sya?

Alfred: Siguro, di ko kasi naisip i-add sya eh, ang alam ko sya ang mag-aadd, Hahahahaha!

Vincent: Bahala na, aadd ko nalang lahat.

In-add nga lahat ito ni Vincent, hanggang sa may nag accept nga na isa, pero kakaunti lang ang friends nito, ni hindi pa umabot sa Sampu. Nag-message kaagad si Vincent sa Jun Baboycar na yon at sinabing “Maraming salamat sa pag-accept, Kaibigang Jun (with smiley face emoticon)” Sumagot naman ito kaagad ng “Welcome, Kaibigan” tapos sabay sabi kay Vincent ng “IKAW ANG NEXT TARGET KO” ... Sa una nagulat si Vincent pero tingin nya ay poser lang to kaya’t tumawa lang sya.

Vincent: Adik adik din tong poser na to no? Feeling masyado. Ako daw ang next target? Hahahaha!

Alfred: Hahahaha! Sige sakyan mo lang.

Kinausap nga ito ng kinausap ni Vincent sa chat habang nasa likod nya si Alfred na tawa naman ng tawa.

*ANG MGA SUMUSUNOD NA USAPAN AY ANG PAGUUSAP NILA VINCENT AT JUN BABOYCAR SA CHAT*

Vincent: Nako, wag mo ako isunod kaibigan maawa ka.

Jun Baboycar: Wag ka mag alala, kaibigan. Malapit lang ako sayo. J

Vincent: Ows? Talaga? sige nga, punta ka sa likod ko ngayon? Hahahaha!

Jun Baboycar: Nasa likod mo na ako.

Vincent: Huh? Nasa likod? Adik ka ba? Feeling ka naman! U**L!!!!

Jun Baboycar: Oo, sa likod.... katabi ko yung pinatay nyo. Si Dennis.

*END OF CHAT*

Napahinto sa pag tataype si Vincent sa nabasa. Nawala naman ang nakangising muka kanina ni Alfred at napalitan ito ng takot. Nagkatinginan nalang ang dalawa. Nagmadali si Alfred na kunin ang cellphone para tawagan kaagad si Eugene. Natakot ng kausapin ni Vincent sa chat si Jun Baboycar, at nataranta na kung anong gagawin. Maya maya’y bigla nalang may kumatok sa may pintuan. Nagkatinginan ulit ang dalawa. Tinanong ni Vincent kung si Eugene na ba yung kumakatok, pero ang sabi ni Alfred hindi nya na daw ma-contact si Eugene dahil out of coverage area na daw ito. Sinubukan nilang sumilip sa bintana para tingnan kung sino ung kumakatok sa baba. Nasa second floor ang kwarto ni Dennis, kaya’t sinilip nila ito mula sa taas. Dahan dahan sumilip si Vincent at Alfred sa bintana. Nasilip naman ito ni Vincent pero wala syang nakita. Umalis kaagad sa bintana si Vincent sa dahilang baka may makakita sa kanya sa labas, pero laking gulat nya ng lumingon sya...... wala na si Alfred sa kanyang likuran, na halos 5 seconds ago ay katabi nya lang. Inikot ikot nya ang tingin sa buong kwarto... at napansin nyang... wala na rin ang katawan ni Dennis na nakahiga sa lapag. Sinigaw ni Vincent ang pangalan ni Alfred pero walang sumagot. Hindi na makagalaw si Vincent sa sobrang takot. Imposibleng bigla bigla nalang mawala si Alfred pati na ang katawan ni Dennis ng ganun ganun lang.

Friend Request 2: The Next TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon