Ch. 1 - Pt. 1 - Her Attitude

562K 8.4K 1.4K
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 1 - Pt. 1 

Charice POV

(for new readers, POV means Point Of View)

 Sowaneul Malhebwaaaaaa (insert malaking mata here like this: O___O)

Bwahaha. Tinatakot ko lang kayo! Natakot ba kayo o poker-faced lang din kayo tulad ko? Kainis naman kasi! Nakakatamad naman sa bahay. Walang magawa! Since ayoko ng tapusin itong kantang "Genie" ng SNSD, next song na nga lang. Sawa na ko sa Genie eh.

Ano bang nasa playlist ko? (tingin tingin sa playlist) Ayun, Mr. Taxi na lang! Trip ko yung chorus lalo na yung jeukshi(?) jeukshi part!

Pipindutin ko na sana yung "Play" button (yung triangle na naka-rotate) ng bumukas yung pinto ng kwarto ko @#$%

"Charice?"

Okay, kumatok po siya. Sa sobrang lakas nga nung katok nya, nabulabog ako /sarcasm

"Yeah?" - walang ganang tanong ko sa kanya.

"Mom will go shopping~!" - nakangiting parang baliw na sabi ng aking inang.. di ko close.

"And?" - tanong ko ulit ng di natingin sa kanya at patuloy lamang sa paghahanap ng song sa phone ko. Nawalan na ko ng gana sa Mr. Taxi eh. May umistorbo kasi.

"Well, you want something?" - tanong nya.

Tumingin lang ako sa kanya. Naksilip naman sya sa pintuan. Pero, ano daw? You want something daw? Waw, english. Nahiya naman ako sa bulol kong englesh.

"I mean.. may gusto ka bang pasalubong?" - Aba, maalam din pala magtagalog. Bilingual!

"Tsk" - sabi ko sabay tingin sa screen ulit ng phone ko at parang mukhang di interesado.

Tapos, nilagay ko yung earphones sa tenga ko. Makaramdam ka!

  

"Err, okay Cha.." - sabi nya ng nakatungo. Sinara niya ulit yung pinto kung saan sya nakasilip kanina na parang kwagong tarsier.

Inalis ko yung earphones ko na walang music na nag-pla-play. Sorry Mama, gusto ko nga ng ice cream ee. Kaya lang nahihiya ako sabihin! Di kaya kami close! Di din ako FC (feeling close)! Saka,  di bagay sakin.

Gusto ko pa naman sana ng Vanilla flavor.. o kaya Chocolate.. o yung Strawberriiiii~! O kaya -- yung 3 in 1 na lang kaya? Pero.. may 4 in 1 eh! Teka nga, pakilala nga muna ako bago ako magutom! Para namang pag sinabi ko lahat ng sizes o gallons ng ice cream eh a-appear sya sa harapan ko nu! Pwera na lang kung may taong mayaman akong makikilala para hingiin ko yun lahat.. Err, gawin daw bang Genie?

Ako si Charice Eliza Mendoza. 14 years old. Incoming Junior. As you can see, wala pang pasok. Ay wait, di niyo nga pala nakikita. I'm only using "Imagery" so ayun, June 3 pa lang kasi tapos sa June 6 yung pasukan. Ang aga nga ee! Napaka-KJ (kill joy) ng mga administrators namin sa school! Lalo na yung principal namin na babae (na di ko pa nakikita).

Anyway, "Soshi" nga pala ako o "S♡NE" (Girls' Generation die-hard(?) fan) at Jessica bias. Kung sa kulay ang pag-uusapan, I love pink, blue, yellow.. basta yung light. Yung parang Marshmallow

Childish in mind ako eh! Pero no, di ko pwede yun ipakita. Iba kasi ang aking personality o "self-identity". Pero di ako plastic. I can be mean and harsh din (kadalasan). Ako ay.. walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa'kin. Mahilig rin ako mag daydream. Kaya minsan, pag may nagkwekwento sakin, lalo na kung si Bianca, sasabihin niya na di daw ako nakikinig. Sowwy naman di ba? Kasalanan ko ba kung di ako interesado d'yan sa kwento mo?

Anyway, kung curious kayo kung sino si Bianca, wag niyo na lang kaya alamin? Tutal, isa pa yung baliw.

Minsan nga pala ay blanko ang utak ko. Pero hep-- matalino ako nu! Pero wag lang sa isang subject! Minsan, nakatingin ako pero akala nila nanunuod ako pero hindi -- nag daday dream na pala ako. May creative mind ako eh. Kung san san nakakapunta. Minsan nga ay nakikita ko na yung hydrosphere at atmosphere ng Earth eh. Galing ko nu? Astronaut? Astronaut na walang gear.

Tapos, may nangyari sa'kin dati kung saan, tumanim na sa utak ko (kahit made of brain cells sya at di fertilized soil) na -- ayoko na mag 'care' kasi hindi naman lahat ng kini-care mo, care ka rin nila. Masakit man tanggapin pero, ganun talaga.. That's layp my friend! (Di ako FC).

Anyway, (ulit) mag fufull volume na ko para feling ko live yung pakikinig ko. Kung anong kanta? Edi yung kanta ni IU feat Suho - Monday Thru Sunday! Pakinggan nyo yun, maganda yun!

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon