LESSON 28- Killing Spree

42.3K 987 238
  • Dedicated kay Ana Luigia Silverio
                                    

HINDI alam ni Steven kung saan siya dadalhin ni Teacher Noah. Hila pa rin siya nito sa dalawa niyang kamay. Hanggang sa ipasok siya nito sa isang abandonadong silid. Pabalya nitong isinara ang pinto.

Nanatiling nakahiga si Steven. Wala na siyang lakas na makagalaw. Nanghihina na siya dahil sa patuloy na dami ng dugo na nawawala sa kanya.

"Ano pang hinihintay mo Noah? Patayin mo na rin ako." aniya.

Nilapitan siya ni Teacher Noah. Tinignan siya at pagkatapos ay mariing tinapakan ang sugat niya sa balikat. Napangiwi siya sa sobrang sakit.

"Huwag kang magmadali Steven. Malapit na kayong magkita-kita ng mga kaklase mong demonyo!"

"Ano ka ba sa tingin mo? Demonyo ka rin naman diba?" aniya. "Patayin mo na ako. Ano pang hinihintay mo? Gusto mo pa bang sabihin ko sa iyo ang ginawang pagpatol ng pinakamamahal mong si Olivia sa akin?!" dugtong pa niya sabay ngisi ng nakakaloko.

Mas lalo pang diniinan ni Teacher Noah ang pagkakatapak nito sa sugat niya.

"Putangina mo Noah!" hindi na napigilan ni Steven ang mapamura.

"Alam ko ang ginawang iyon ni Olivia at naiintindihan ko kung bakit siya pumatol sa iyo. Walang mahanap na kakampi si Olivia, natural na mahulog agad ang loob niya sa taong magpapakita ng kabutihan at malasakit sa kaniya. Ako ang dapat na nagtatanggol sa kanya noon pero wala akong magawa dahil takot ako...Takot akong may makaalam ng relasyon namin! Hindi niyo alam na sa bawat pananakit niyo kay Olivia ay dobleng sakit ang balik noon sa akin! At naipon na iyon dito," sabay turo nito sa parteng dibdib nito.

"Ang sabihin mo, sadyang makati lang si Olivia!" pang-aasar pa ni Steven.

Biglang naging tila halimaw sa labis na galit ang mukha ni Teacher Noah. "Hindi totoo iyan!!!" sabay kuha nito ng palakol at pinalakol nito ang kamay niya.

"Ahhh!!!" sigaw ni Steven. Labis ang takot niya ng makita niyang humiwalay ang kanyang kamay sa braso niya. Gumalaw-galaw pa iyon. "Putangina mooo!!! Hayop kaaa!!!"

Itinaas muli ni Teacher Noah ang palakol at pinatamaan noon ang isa pa niyang kamay. Tulad ng isa ay naputol din iyon. Napasigaw siyang muli sa sobrang sakit.

"Ganyan ang naramdaman noon ni Olivia! Mas masakit pa diyan!!! At ngayon, ipapakita ko sa inyo ang resulta ng lahat ng kasamaan niyo noon sa kanya!"

Tila isang hayok na hayok na hayop na pinagpapalakol ni Teacher Noah si Steven. Wala na itong pakialam kung saan ito tamaan. Sa dibdib, braso, sa tiyan at kung saan-saan pa.

Bawat tamaan ng talim ng palakol ay lumilikha ng malalim at madugong sugat! Hanggang sa sumuka na ng dugo si Steven.






WALANG pagsidlan ang nararamdaman saya ni Teacher Noah habang walang awa niyang pinapalakol ang walang kalaban-laban na si Steven. Bawat hataw niya sa katawan nito ng palakol ay siya ring pagtalsik ng dugo nito sa katawan niya. Halos lasog-lasog na ang katawan nito ng tumigil siya. Humihingal na napatingala siya.

"Oliviaaaa!!!" malakas niyang sigaw.

Oo, nababaliw na siya.

Sari-saring emosyon na ang lumulukob sa kanya. Galit, poot, lungkot at kung anu-ano pa.

Nawawala na siya sa katinuan.

"Oliviaaa!!! Mahal na mahal kitaaa!!! Para sa iyo lahat ng ito! Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko sila!!!" malakas pa niyang sigaw.

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon