Hey boyz 29 If you love me

6.3K 165 30
                                    

_Mika_

So andito ako ngayon sa bahay ngayon. Parang malaki talaga ang tampo ni reidge sakin. Hindi talaga nagrereply sa mga text ko.Pati ang tawag ko dinededma.Mapapatay ako ng curiosity ko sa ginagawa ng kumag na yun.Ano ba gusto niya maghubad ako sa harap niya.Pwe kakadiri naman mga iniisip ko ngayon.

_Trey_

Haist ang tahimik dito sa kwarto . daig pa ang may lamay

"ehem sino ba namatay?"  pagpapapansin ko di ko na matiis eh ang awkward ng dating pag hindi nag iimikan si andrei at reidge .

"may namatay ba?'' derek na parang timang na nagtatanong

''si derek kilala mo?''

''kapangalan ko''-derek .....mapapatay ko to eh

''oo kamukha mo rin''

''reidge may kambal ako!?''-derek

hindi umimik si reidge . kaya ako na lang ang sumagot .

''meron sa katunayan may litrato nga siya oh'' tapos binigay ko yung salamin

''gago!!''derek .. sabay batok sakin .

''dami mong tanong''

''seryoso ako''-derek

''eh pano kung meron nga'

''meron ba?''-derek ... kita mo timang lang talaga

''haist labo mo''

mas mabuting manahimik na lang kami .

uhm hindi talagang pwedeng tahimik eh.DI ako sanay

''uhm... alam niyo ba yung balita?''

''anong balita?''-derek

''WALA!!!!!!!!!!!''

''pwede ba trey manahimik ka nga!'reidge

''ano ba kasing problema niyong dalawa?''

''oo nga naman reidge . bakit di mo sabihin kay trey'-andrei

'bakit hindi ikaw ang magsabi?''-reidge

(O_O) bakit hindi na lang nilang parehong sabihin..

''bat  ako ang magsasabi?''-andrei

''ah si mika yan noh!!!!'-derek

Napatingin kaming tatlo sa kanya. anong kinalaman ni mika dito? ang alam ko lang naman may gusto si reidge kay mika . hahahah naalala ko nga noon . tanggapin ba naman ni reidge sa sarili niya na bakla siya. Akala ko may saltik ang gago eh . Buti na lang di ako ang nagustuhan ng loko kundi malaking gulo aabutin neto sakin.

''teka nga di ko kayo maintindihan.. ''

''tanga ka ba? may gusto ang dalawang ugok na yan kay mikoka''-derek

''sinong mikoka?''

''tange! eh di si miko na mika na ngayon. di ka ba nagiisip''-derek

hala binabara anko ng gago ah. tatamaan to sakin pag ako napikon.

''babae lang pinag aawayan niyo?''

''syempre nag iisang mikoka lang yun noh. tsk tanga!''-derek

(O_O) nakakailan na to ah

''kakalimutan niyo pagiging magkaibigan niyo dahil lang jan?''

''malamang naman love is a battlefield. wow idadagdag ko yun sa lyrics ko''-derek sabay sulat sa mini notebook niya

''derek ikaw ba si reidge at andrei?''

''inaatake ka na naman ng kabobohan mo trey . paano ako magiging si reidge at andrei eh ako si derek''

(-___________________________-) jusko . pagtitimpi trey . pagtimiphan mo ang nilalang na ito.

________________________________________________________________________________

pasesnya na ito na muna huhuhuhu . naputulan kami ng net .  by the way hanggang chapter 30 lang ito kasi balak ko sanang gumawa ng book 2 pero di na ako ang author ibibigay ko na tong account ko . kasi narealize ko na writing story is not my thing. ewan yun ang nararamdaman ko .

namiss ko kasi ang kakalugan ni trey kaya siya na muna ang bida ngayon . salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng pretty boyz . ehheheheh

Pretty Boyz(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon