FINALE

219K 7.6K 4.6K
                                    

FINALE

Nagising ako nang maramdaman ko ang pagsakit ng buong katawan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at awtomatikong pumasok kaagad sa isipan ko ang mga nangyare kahapon. Inis kong itinakip ang unan sa ulo ko at hinihiling na sana hindi na lang ako nagising. Tama nga sila, the hardest thing to do is waking up in the morning remembering what you were trying so hard to forget last night.

Para akong pinapatay ng paulit-ulit tuwing pumapasok siya sa isipan ko. Napakabigat sa dibdib at halos hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin para huwag na siyang pumasok sa isipan ko lalo na ang mga sinabi niya upang hindi ko na maramdaman pa ang sakit. Kahit gaano kasi kasakit ang bugbog na natamo ko ay nangingibabaw pa rin ang sugat na iniwan niya sa puso ko.

Hirap na hirap akong bumangon mula sa pagkakahiga at napatingin sa bintana ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko nang mapansing bahagyang madilim ang kalangitan. Mukhang masama ang panahon at ilang sandal lang ay uulan na. Pero teka? Bakit nakabukas ang bintana ko? Sa pagkakatanda ko ay nakasara ito at hindi ko binuksan kagabi.

"Tulog pa si Summer at ayoko siyang gisingin. Mabuti pang bumalik ka na lang ulit sa ibang araw. Gusto ko munang makapagpahinga ang anak ko."

Napatingin ako sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni Mama habang may kausap ata sa baba.

"Hihintayin ko na lamang po siyang magising," boses mula sa isang matanda at mukhang kilala ko kung sino iyon.

Nagmamadali akong bumangon at muntik na akong mapasigaw nang maramdaman ko ang pagsakit ng buong katawan ko. Tiningnan ko ang sarili ko at mas malala na ang mga pasa ko ngayon. Halos magkulay ube na ang buong katawan ko dahil sa mga pasa.

"Gaano ba kaimportante ang pakay mo kay Summer at kailangang ngayon mo pa siya makausap? Hindi mo ba alam ang lagay niya? Kailangan niya ng pahinga." Halata na ang galit sa boses ni Mama.

Kahit na masakit ang buong katawan ko ay pinilit ko ang sarili kong maglakad palabas ng kwarto ko at bumaba sa hagdan. Kaagad namang napatayo si Mama at Papa pati na rin ang kapatid kong si Sam nang makita ako. Napatingin ako sa taong kausap nila at tama nga ang hula ko. Si Mr. Morgan nga. Napatayo rin siya at akmang lalapit sa akin upang tulungan ako pero naunahan na siya nina Mama at Papa.

"Summer, bakit bumangon ka na?! Ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalalang tanong ni Mama pagkalapit niya sa akin.

Nagpakawala ako ng pekeng ngiti at tumango na lang sa kanya.

"Ano ka ba naman! Dapat nagpahinga ka na muna sa kwarto mo!" halatang naiiyak na saad niya at saka inalalayan ako.

"Okay na ako, Ma." Pagsisinungaling ko at ibinalik ang tingin kay Mr. Morgan. Tumingin ako sa sofa namin umaasang may iba pa siyang kasama pero wala nang ibang tao pa ang nakaupo roon.

"Kung ang hinahanap niyo po ay si ginoong Jack Frost, paumanhin pero hindi ko po siya kasama," biglang saad ni Mr. Morgan. And just by merely hearing his name, I felt my heart breaking into pieces all over again.

Napabuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan habang akay-akay ni Mama at Papa.

"Ayoko man maging bastos pero sana ay mabilis lang ang kung ano mang sasabihin mo. Kita mo naman sa itsura ng anak ko na kailangan pa niyang magpahinga." Saad ni Mama.

"Nauunawaan ko po," mabilis na sagot ni Mr. Morgan at saka muling naupo.

Alam kong may galit na pinanghuhugutan si Mama kaya ganito na lamang ang trato niya kay Mr. Morgan. Wala kasi siyang ibang sinising tao kung bakit nangyare sa akin ito kundi si Jack.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon