Chapter 57

14.3K 41 3
                                    

Kinikilig si Elmo sa matamis na ngiti sa kanya ni Julie ngayon. Nakatitig lang at nakangiti sa kanya ng sobrang laki ang dalaga. She’s obviously happy and excited.

“Yes” mahinang sabi ni Julie. Lumapit kay Elmo at hinaplos haplos ang dibdib nito sabay palo ng mahina dito. “Thank you Magalona”

Nilapit ni Elmo ang mukha sa mukha ng dalaga. “Welcome San Jose” he whispered and flashed his killer smile. Naamoy tuloy ni Julie ang fresh at mabangong hinanga ni Elmo. “Let’s go” sabay lahad ng kamay sa dalaga.

Julie couldn’t wait to ride the cable car. Pinilit nya kasi ang binata to go in Universal Studios. Of course Elmo doesn’t wanna go there. ‘Just the two of us nga. Baka makita naten sila Rocs dun’ is his exact word. But Julie has her ways.

“Aren’t you afraid of heights?” nang napansin nyang hindi kinakabahan ang dalaga.

“No!” she said a matter-of-fact tone “Are you?” 

“No”

“Hhmm. I think you are. Hahaha. So gay. You’re so gay Elmo” pang-aasar ni Julie. Naiiling at natatawa na lang si Elmo. Julie is enjoying this, and they haven’t even started. “Ayan na ayan na” the cable car moved, sabay lapit sa glass window para makita ang view. “Woooooww” manghang mangha si Julie dito.

Elmo couldn’t help but to smile. Parang bata na first time makakita ng malaking balloons si Julie. Lumapit din sya dito at tinignan ang view. “Wooahhh” the view was really good. Pero mas gusto nya ang view sa side nya.

“Look at that Moe” turo ni Julie sa baba. Lalong lumapit si Elmo kay Julie. Pagtingin ni Elmo…..nothing. Nagkunot noo sya “Hahahahaha” tawa ni Julie. “Sayang nmn kasi binayad mo kung hindi ka titingin sa baba” biro ni Julie.

“Nah. I love this view” at tumitig nnmn kay Julie.

“Dun” turo ng daliri sa labas at bahagyang sinampal ng isang kamay ang mukha ni Elmo para tumingin sa labas “Ang tingin. See. Sinasayang mo ang magandang view”

Tumingin uli kay Julie. “No I’m not. Mas maganda ang view dito. Mas gusto ko ‘to”

Hinawakan ni Julie ang mukha ni Elmo at nilihis nnmn ang tingin sa kanya. “Look. Ang lalaki ng buildings nila. And look sobrang linis ng daan” pag-iiba sa usapan.

Tumango tango si Elmo “Uhhhmmm oo nga. ARAAAAYYY!” sabay hawak sa braso nyang kinurot ni Julie.

“Oo nga?! Sabi nang dun ang tingin. Sa’kin ka pa rin nakatingin e” reklamo ni Julie

“Mas gusto kitang view” binasa pa ng laway ang kinurot. “Sakit nun Japs”

“Kasi nmn e, maiilang ako sa tingin mo. Tsaka bakit pa tayo nag cable car kung ako lang pala gusto mong view?”

“Because I know you want this” hindi sumagot ang dalaga. “You do right?” nag dalawang isip tuloy sya kung oo ba o hindi. Tumango nmn si Julie at tumingin uli sa labas. “And gusto kitang masolo” pahabol na biro ni Elmo.

One Night Stand - UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon