Lesson 20

46.6K 387 203
                                    

Lesson 20
Triggered

'Maraming nga pong nagtataka kung magkapatid sila eh.'

Kakayanin ko lahat ng lait sa akin. Kung mayabang, spoiled, bobita, o maarte sa akin pero yung ikumpara ako kay Ate? Damn, that's my weak spot!

She has been my biggest insecurity. Her existence itself is enough to wear me down. Kaya nga hindi big deal sa akin nawala siya sa bahay. I like her when she's not around because there's no one I can be compared with.

She's got the looks. the brain, the talents, the skills, the achievements... God knows how I feel small when I am beside her.

I am just the stupid, spoiled, youngest daughter of the Romulo family.

I thought volunteering myself to give my future up for the sake of the family business will be enough for me to think I am more than enough.

Mali ako.

Kahit anong gawin ko, si Ate at si Ate pa rin ang mas lamang.

I'm a failure. I'm a disappointment. Wala akong kuwenta. Bobo ako. Maarte ako. Puro ganda lang ako. 'Yun lang naman talaga ang asset ko. Yung ganda ko.

Kaya hindi ko alam kung nagbibiro lang ba talaga ako kapag ipinagmamayabang kong maganda ako o sadyang masaya akong nasasabi ko kasi yun lang ang meron ako.

Okay, hindi maiiwasan yung judgement sa pagkumpara sa aming dalawa ni Ate pero can't she just keep it to her fucking self? Bakit niya pa kailangang ipagduldulan kay RR kung gaano ako kabobo?

Noong unang pagka-check ko pa lang ng LinkedIn profile ni RR, nanliit na agad ako sa sarili ko. Ang hirap labanan ng insecurities.

Alam ko na noon pa na hindi ko deserve ang lalaking 'to. The f*ck! I am just a beautiful girl? At anong magagawa ng ganda ko sa negosyo at sa career niya? Wala.

Eh kung si Ate ang nakatuluyan niya sa tingin ko ang productive pa ng mga usapan nila. Tipong usapang matalino, yung may matutunan ang isa't isa. On the other hand, there's me... Nakikipag-away, nakikipagbangayan, nakikipagsagutan sa kanya all the time.

Mas lalo kong ipinakita kay RR na worthless ako. And for sure, mas bababa ang tingin sa akin dahil sa mga sinabi ni Genera. Nice one, Genera! Nice one, you succeeded.

My phone rang for the nth time. Tiningnan ko lang itong umiilaw habang tumutunog. Dalawa lang ang caller na kanina pa tawag nang tawag o text nang text: Sharpay o RR.

Pagkatapos kong magdrama sa CR kanina, dumiretso na ako sa labas ng school at pumara ng taxi papunta dito sa unit ni RR.

Kanina pa ako andito nagmumukmok sa kama niya. Halos mag-aanim na oras na yata ako rito.

Cry. Sleep. Repeat. Ganyan lang ang ginawa ko sa buong walong oras. Kahit gutom ako hindi ako bumangon.

Hinayaan kong patayin ang ilaw sa kuwarto at binuksan nang dim ang lampshade na nasa ibabaw ng mesa sa tabi nang hinihigaan ko.

It's almost 5 PM. Most of the classes are done. Hindi naman kasi ganoon karaming mga klase ang umaabot ng 9 PM.

My phone rang again. This time tiningnan ko na. It's from RR. But I dismissed the call asap. I've already missed his calls 23 times since this early morning. F*ck him, 'wag niya akong makausap-usap. Two things why: he chose to comfort that b*tch and I don't know if may mukha pa akong mapapakita sa kanya matapos ang lahat nang sinabi ni Genera.

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon