Chapter 14: No one.

7.6K 95 10
                                    

Chapter 14: No one.

Serene's POV:

 

"Manong sa bus station po."

Sabi ko don sa may taxi driver.

Hindi ako lumingon nang may sumigaw pagkasakay ko. Wala ng ibang laman ang isip ko kundi ang sinabi sakin ni Bart.

'Maybe that's the reason why Michael's seeing other girl...'

Napatingin ako sa phone ko at tinext si Michael. Tinanong ko kung anong ginagawa niya.

Tinitigan ko lang ito nang ilang mga minuto at saka ako bumuntong hininga.

Walang reply. Ilang araw na niya akong di nirereplyan. Simula nung nalaman na niya lahat, naging parang cold na siya sakin. Naiintindihan ko naman yon, kasi, sino ba namang hindi magagalit don sa ginawa ko?

Ang hindi ko lang matanggap, yung posibilidad na totoo yung sinabi ni Bart.

Pero... Hindi naman siguro. Mahal ako ni Chael eh, at naniniwala ako don.

Hindi ko naman na siya mahal at si Bart na ang... Laman ng puso ko. May tiwala pa din ako kay Chael. At masasaktan ako kung totoo man yon.

He's the least person that will hurt or even betray me. Kasi alam niya kung gano ko kinasusuklaman ang mapagsinungalingan at lokohin.

"Andito na po tayo."

Nagbayad lang ako sa driver at bumaba na.

Nakita ko ang mga nagkakagulong mga tao at ang mga nakahilerang mauusok na bus.

Hinanap ko yung bus na papunta sa Ilocos. At sumakay na ako doon.

Nang umandar na yung bus ay siningil na ako ng konduktor ng bayad.

Sumandal ako sa may bintana ng bus, humalukipkip ako at muling umiyak.

Wala na ata akong ibang ginawa nitong buong linggo na 'to kundi umiyak. Ayaw pa kasing maubos eh.

Pero siguro, karma ko na 'to. Ang sama ko kasing tao eh, nanloloko ako ng tao.

Siguro, nagsawa na lang din si Chael sakin kaya ganon. Tama siguro yung sinabi sakin ni Bart. I'm selfish, wala na akong ibang iniisip kundi sarili ko.

Pero pwede din naman mali si Bart diba? Pwede din namang, oo sige, selfish na ako at walang ibang iniisip, pero pwede namang mali siya nung sinabi niyang may ibang babae si Chael.

Pwede namang nagkamali lang si Bart. Kasi... Kilala ko naman si Chael, he will never do that to me.

Nilagay ko na sa bulsa ko yung phone ko, lahat ng accessories ko din nilagay ko sa bulsa ko then ini-stay ko yung kamay ko sa bulsa.

Basketball Love Affair 3: Buzzer BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon