WYBHBM ~~ Chapter 39

232K 2.1K 407
                                    

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

HEIRA POV


Akalain nyo 'yon?! Sumama talaga sa photoshoot si Cyfer. Hindi lang yan. Pumayag din syang maging model . Wow ! Isusulat ko 'to sa diary ko ~ay ! wala nga pala akong diary. XD HEHE.


Ilang beses kaming nagkatinginan ni Jen sa sasakyan. Hindi rin ata talaga makapaniwala na ang pinakamasungit nyang schoolmate ay kasama nya ngayon at magiging modelo pa nya. 


Nung nasa set na kami, di ko maiwasang mamangha. Woaaah! Ang bongga naman. Para kaming gagawa ng pelikula. MWAHAHA. Trial photoshoot lang ba talaga ito? XD


Nakita kong may lumapit na isang babae kay Jen. Malapit lang naman sila sa kinatatayuan ko kaya narinig ko ang usapan nila.


"akala ko hindi na matutuloy? What happened? Magpa-pack up na sana kami." sabi nung babaeng kausap ni Jen.


"si Karl kasi hindi makakapunta ." sagot naman ni Jen.


"so nasaan na ang pinsan mo? Hahabol daw ba?"


"Hindi. May kapalit sya."


"agad-agad? Tindi mo,ah. Nakahanap ka kaagad na mahahaliling male model."


"Hindi ko rin naman inaasahan. Tara. Ipapakilala muna kita sa mga bagong models ko." lumingon saken si Jen at ngumiti. Ganon din ang kasama nyang babae.

"Rina,this is Heira. Schoolmate ko sya. Heira, si Rinamae. Alalay ko ."


"tss. Alalay ka jan. Assistant naman pwede? Para medyo sosyal." sabi ni Rina kay Jen sabay irap. Pagtapos ay bumaling saken at ngumiti. "nice to meet you,Heira. Hmmm. . .bagay ka ngang maging model." ^__^


"ehehe. Hindi naman. First photoshoot ko nga 'to ,eh. Hehe." (^__^)7


"oww. Okay lang yon. You look innocent. Bagay sayong maging fairy."


E? Fairy? O_________O


"f-fairy?" 


"Jen ,hindi mo ba sinabi sa kanya ang theme natin?"


"oh I forgot. Sorry." ^____^


"hays. Pagpasensyahan mo na si Jen, sadyang laging inaatake ng partial amnesia." -__-


Halata nga,eh. xD Hindi nga rin nya nasabi saken na may partner pala ako sa photoshoot . 


"Sorry,Heira." (^/\^) 


"okay lang,Jen."


"hey,Jen. Nasaan na ang kapalit ni Karl?"tanong ulit ni Rina. Oo nga. Nasaan na si Cyfer?


Nagpalinga-linga kaming pareho ni Jen.


"Heira,nasaan na sya?"


"hindi ko alam. . ."sagot ko habang patuloy na lumilinga sa paligid.

"sabay-sabay naman tayong bumaba ng kotse di ba?"


"o-oo."


"e nasaan na sya-" hindi pa natatapos ang tanong ni Jen nang makarinig kami ng matitinis na sigaw ng mga babae at. . .binabae? Hindi naman siguro ganon sumigaw si Cyfer.

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon