Previous Page of 2Next Page

PANTASYA

Dedicated to
MrKnight
spinner.gif

NOTE: I DO NOT OWN ANYTHING

Credits to: daredevil (AllAboutBoysLove)

"Rico!!! nandyan ka na naman sa labas ang aga-aga pa, maglinis ka na nga ng bahay." ang sigaw ng aking bunangerang ina. Parang may microphone sa lalamunan sa lakas ng kanyang boses na umaabot hanggang sa kanto.

"Sandali lang po Inay" ang malakas ko ring sagot.

Ako nga pala si Rico, 12 taong gulang at isang second year student. Accelerated kasi ako, at genius daw sabi ng aking mga guro. Mahirap lang ang aming pamilya. Namatay na ang tatay ko kaya 3 na lang kami ni inay at ang kuya ko ang magkakasama.

Ang nanay ko naman ay si Martha. May katabaan siya pero maganda pa rin. At kahit bungangera pa at minsan ay nakakairita na ay mahal ko pa rin siya. Napakasipag ni Inay, maliban sa pagtitinda ng gulay sa bayan e nagsisideline pa siya sa paglalabada at pamamalantsa kaya kahit papaano ay nakakaraos kami sa pang araw-araw.

"Rico, hindi ka pa ba susunod, malilintikan ka na sa aking bata ka" ang sigaw ulit ng nanay ko.

"Saglit lang po talaga Inay, huwag po kayong mag-alala pagbalik niyo po mamaya malinis na ang bahay." ang pasigaw ko ring sagot sa kanya.

Marahil nagtataka kayo kung bakit ang aga-aga kong lumabas ng bahay. Actually, tradisyon ko na ito sa sarili ko. At ang dahilan hindi upang mag-ehersisyo kundi ang abangan ang aking crush na lumabas.

Si Carlo, ang aking pantasya. Nakatira sa tapat lang ng aming bahay. Nasa 19 taong gulang, 4th year na sa kursong education. Matangkad,may korte ang katawan kahit di pa nahuhubog sa gym, malinis ang mukha, matangos na ilong maputi ang balat, spiky na buhok, in short hunk na hunk ang dating. Lagi niyang inaabangan ang kuya ko para sabay silang pumasok. Magkaklase kasi sila ni kuya sa isang state university dito sa aming lugar.Sa kanila rin nagsisideline ang nanay ko.

Maya-maya nakita ko na siyang lumabas sa gate ng bahay nila. Halos maglaway na ako sa pagkakita sa lalaking matagal ko nang pinapantasya. Ang gwapo niya talaga tignan sa suot niyang uniporme. Naglakad na siya papunta sa tapat ng bahay namin nang mapahinto siya pagkakita sa akin.

"Good Morning baby boy" ang bati niya sa akin na nakangiti. Hay sa ngiti pa lang niya talagang kinikilig na ako pero di ako nagpahalata siyempre na naglalandi ako sa kanya. Baby boy ang tawag niya sa akin.

"Good morning din Kuya Carlo, palabas na si kuya" ang casual ko lang bati sa kanya pero sa loob-loob ko gusto ko nang lumingkis sa  kanya.

"Hindi ka ba nagsasawang magtambay dito sa umaga, napapansin kong palagi na lang ganito ang ginagawa mo" sabi niyang nakangiti pa rin.

"Hindi po kuya Carlo, siyempre masarap langhapin ang simoy ng hangin sa umaga." ang nasabi ko. Buti na lang nakaisip agad ako ng palusot.

"Ikaw talaga, ang cute talaga ng baby boy ko" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

Maya-maya lumabas na si kuya, naka uniform na rin at dala ang bnag at mga libro.

"Hoy Rico, hindi ba pinaglilinis ka ni Inay, umpisahan mo na ang trabaho mo, ang aga-aga mong maglandi diyan"si Kuya.

"Hindi ako naglalandi! sige na nga papasok na ako sa loob."ang tampo kong sagot sa kuya ko.

"Huwag ka nang magalit baby boy, dalhan na lang kita ng siopao mamaya pag-uwi namin ha" si Kuya Carlo.

"Hay nako Carlo, huwag mo nang i baby yan nasasanay na e" ang sabat ni kuya na kumokontra nja lagi kong kinaiinisan.

"Ok lang Dan, sige baby boy maglinis ka na may pasok ka pa mamayang tanghali di ba?" si Kuya Carlo.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (5)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended