Chapter 2

36.1K 927 214
                                    

Rapist ako -.-

Myles's POV

Nasa bahay na namin kami, buti nga ako lang ang tao doon eh, next month pa babalik ang damuho kong ate kasama si papa. Sobrang pasasalamat ko dahil hindi ko close ang mga hampaslupa kong kapitbahay at buti na lang talaga, magkakalayo- layo ang mga bahay dito kahit bahay ng mahirap. Wooh!


"Hayss, nakakapagod"- Sabay salampak ko sa sofang medyo isang tadyak nalang buwag na 

"Ako kaya nagdrive, dapat ako mapagod"-Sabat niya na nakatayo lang sa harap ng pintuan at inililibot ang mata sa sa buong bahay namin

"Baket? Ikaw ba napagod magsalita ng magsalita para lang sabihin ang direksyon ng bahay namin sa'yong bastos ka?"- Pagtataray ko sa kaniya

Napatigil ako nang maisip na dapat palang alagaan ang bihag para malaki ang bayad. Dapat pakainin para sa new year ay may maihain. Oh oh, hindi siya ang kakainin namin, siya lang magiging dahilan para magkaroon kami ng handa.

Maya- maya pa'y huminto ang mata niya sa panggagahasa sa loob ng bahay namin at unti-unting bumubuka ang bibig


"Woah!"- Habang siya ay manghang- mangha sa nakikita niya

agad kong binalingan ng tingin ang bagay na titig na titig siya

Ow.

Nakatingin siya sa in-edit kong photo na nakasabit sa dingding kung saan nakakuha ako ng first place

"In-edit ko lang yan sa photoshop"- Singit ko habang titig na titig pa din siya sa picture na 'yon

"Member ng exo 'yan"-Tila proud ang pagkakasabi niya kaya siya naman ang binalingan ko ng tingin at nagtanong

"Ano'ng exo?"- Tanong ko

"Yun yung grupo kung saan ako kasama"- Pagmamalaki niya with matching pag- kindat pa, pwe!

"Ahh"-ako

Teka...

Wait..

Ano daw?

Doon daw siya kasama? Akalain mong--- mantakin mong medyo sikat nga 'to, mukhang tiba-tiba nga ako dito mwahahah *evil's laugh* 

Mukhang maagang mao- operahan si papa ah, how lucky, siya na nga ang sagot mula sa aking pagiging dukha. 

"Eh sino yan? Kaibigan ko kasi ang nagpa-edit niyan sa'kin eh"- Tanong ko, bigay lang kasi sa'kin ng kaibigan ko 'yung picture tapos nakatalikod na medyo sideview pa, enough para may makitang kaunti sa mukha niya pero hindi ganoon ka-clear dahil whole body ang picture, syaka di ko na rin inintindi masyado dahil rush na 'ko at kailangan ng magpasa ng entry para sa contest kaya todo salpak nalang ako ng textures para i-blend

"Malalaman mo din balang araw"- Mala- misteryoso pa siyang pumasok sa loob ng bahay nang hindi hinuhubad ang sapatos

"Hoy, sapatos mo"- Paalala ko, agad naman niyang hinubad ang sapatos niya at sinandal sa pader ng papatayo

Teka, back to the topic, bakit pa-bitin effect pa 'to? sino ba kasi 'yon? Siya ba 'yon o co- member niya? Daming pa- utot!

"Ang cute ng bahay niyo"-Kasaby non' ang pagupo niya sa kabilang gilid ng sofa, medyo may kaliitan ito kaya naman halos magkatabi na rin kami

Oo cute 'to, kahit maliit 'tong bahay namin, cute 'to at maganda, dahil kahit papaano may alam ako sa interior designing, I managed to do it with myself

Kidnapping An Exo Member [REVISING]Where stories live. Discover now