CHAPTER 105 : INTERHIGH

5.2M 105K 417K
                                    

MAX'S POV

Nakakatawang isipin na ang kaninang SASABLAYING si Sensui ay nakapuntos matapos akong makita.

Nagkataon lang ba yun? O sadya talaga?

Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang naging dating sa'kin nung ngiti niya matapos niya'ng makipagtitigan sa.kin bago tumira.

Masyadong malayo yun sa Sensui'ng kilala ko.

Ilang beses ko na siyang nakitang ngumiti, tumawa at humagakhak pero ni minsan ay hindi naging bago yun sa paningin ko dahil tulad ng ibang tao, normal rin lang sa paningin ko ang tawang yun. Pero yung ginawa niya ngayon ay nakakapanibago. Matamis ang mga ngiting iginawad niya sa'kin at napuno talaga ang isip ko ng pagtataka.

Anong ibig sabihin nung mga ngiti at tinging yun Sensui??

Ang dating sa'kin nun ay nakapuntos siya dahil bigla niya akong nakita.

Gayunpaman, ayokong masamain ang ibig sabihin nun dahil mahirap na.

Baka nagkakamali lang ako.

Matulin na tumakbo ang taga-Luna matapos tumira ni Sensui na agad namang sinundan ni Lee. Palitan ng hakbang at pasahan ng bola ang paulit-ulit nilang ginagawa at bawat magandang kilos ay gumagawa ng ingay dahilan para dumagundong sa hiyawan at palakpakan ang buong Basketball court.

"Waaaa! I love you Lee!"

"You're the best Tob!"

"Shocks! Ang galing mo Deib! Love you na talaga!"

"Let's go BIS!"

"BIS for the win!"

"Go Enrile!"

"Yaa! Tobi!" si Michiko.

"Go! Go! Go Papa Lee!!" si Migz.

"Huhuhu ang galing ni Deib sobra!"

"Oo nakakainlove na talaga siya! I looove you Deib!"

"Let's go Enrile!"

"Puntos pa!"

"Waaaa ang gwapo mo Deib!"

"Gwapo na, magaling pa! Nag-iisa ka Enrile!"

"Ako na lang ligawan mo! Hindi'g hindi kita sasaktan!"

"No ako na lang! Hindi kita ipagpapalit kahit kanino man!"

"Mamahalin kitang tunay Deib!"

"Ako ang gagastos sa kasal Deib!!"

Halos ang lahat ay Deib Enrile ang isinisigaw. Lalo na kapag nakakapuntos siya ay naghihiyawan at tilian talaga ang mga babae. Bawat tira niya ay ginagawaran niya ng ngiti dahilan para magkandirit sa upuan ang bawat babaeng nandoon.

Tili dito.

Tili doon.

Sa dami ng babaeng nahuhumaling sa'yo, bakit mo pinili yung babaeng sakit lang ang idudulot sa'yo? Tsk tsk tsk. Engot.

Iginala ko ang paningin ko at nakita ko sa bench kasama ng ibang teammates nila si Kim.

Bakas sa kabuuan ng mukha niya ang paghanga sa paglalaro ni Sensui, bahagya siyang nakangiti at halatang kinikilig siya sa bawat kilos at tira na ginagawa ni Sensui. Minsan pa'y mapapatayo siya sa tuwa at walang piglas sa pagngiti at pagpalakpak.

Ang laki ng sinayang mo tsk tsk. Bakit nga ba may taong tulad mo? Alam mo namang gustong gusto ko nung tao, hindi ka na nga nagpakatotoo, nagawa mo pang manloko.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon