[ 41 ] Trap

37.9K 408 79
  • Dedicated kay Dayasy Caguioa Aniog
                                    

CHAPTER 41: Trap

9 na ng umaga nang magising si Jin. Pagkagising niya, may nakita siya sa lamesa sa tabi ng kama niya na pagkain at sulat kaya agad niya yun binasa.

'Good morning hon! Hindi na kita ginising dahil masarap ang tulog mo at humihilik ka. Pinaghanda na kita ng agahan. I love you kabs! -Gab'

Napahawak siya sa ulo niya. Masakit pa ang ulo niya dahil sa dami ng nainom kagabi. Agad niyang kinuha ang phone niya saka tinawagan si Gab.

"Aren't you busy?"

[ May meeting ako ngayon at papunta pa lang ako doon. Kumain ka na? ]

"Hindi pa. Thank you sa breakfast Gab!"

[ Kumain ka na ]

"In a while. Dapat ginising mo ako! For your information, I am not snoring when sleeping"

[ Ako yung nakakarinig nun, hindi ikaw ]

"Whatever Gab! I hate you!"

[ I love you! ]

"Sige, kakain na ako. Pupunta ako sa office mo ng lunch time. Bye!"

[ Sige, magingat ka ]

Pinutol na ni Jin ang tawag saka nagayos bago siya kumain. Nagluto din naman siya ng pagkain para kay Gab. 

***

Madali siyang pumunta sa opisina ni Gab at nabigla siya nang makita si Aeja na nakaupo sa swivel chair ni Gab at may kausap sa phone. Secretary lang siya ni Gab pero iba siya kung makakilos. Nang mapansin ni Aeja si Jin ay agad itong umayos ng upo at kaagad na tumayo. 

"Good afternoon Ms. Tan. Para po ba yan kay Sir Gab? Tulungan ko na po kayo"

Nilapitan siya ni Aeja at kukunin sana ang dala niya pero iniwas ni Jin.

"I can manage"

Ipinatong ni Jin ang dala niya sa lamesa at saka nagtingin tingin sa loob.

"Ma'am, nasa meeting pa po si Sir Gab at hindi pa nakakabalik. Baka po mainip kayo. May mga kailangan po ba kayo?"

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon