Basta Alam Ko Lang (One Shot)

1.4K 39 4
                                    

A/N Marami rami na ang utang ko sa inyo sa updates ko sa iba kong fanfic, pero eto nalang muna pambawi. :) A one-shot story.

Nakangiti akong pinagmamasdan ang isang naglalarong imahe sa harap ko. Sino nga naman magaakala na muli kong makikita ang ganyan ngiti niya? Sino nga ba ang magaakala na kaya ko pala ibigay sa kanya ang ganyan ngiti? Naalala ko tuloy bigla ang araw na nagbago ang pananaw ko sa buhay. Paano sa pagiging isang playboy ay nagawa kong magtino.

*Flashback*

Malakas ang ulan ng gabing iyon. Matutulog na sana ako nang bigla akong may narinig na sunod sunod na doorbell at katok sa pintuan ko. Binuksan ko naman ito agad at bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha.

“Kim?” gulat na tanong ko sa kanya. Basang basa ito ng ulan, at kung pagmamasdan mabuti hinihingal pa ito sa pagtakbo at mugto ang mata sa kakaiyak.

“Xian!” tanging sagot niya sa akin at biglang yumakap.

Nagulat naman ako sa ginawa niya. Yes Kim is my bestfriend, siya ang takbuhan ko tuwing may problema ako, siya ang may alam ng mga kalokohan ko, at pangit man pakinggan siya ang taga gawa ng mga solusyon sa problema ko sa mga naging babae ko. Biro ko nga sa kanya “bro” ko siya eh. Pero I never seen her this weak and stressed out.

“Kim, what happened? Akala ko may date kayo ni Miguel?” tanong ko sa kanya, pero tanging iyak lang ang sagot niya sa akin. Miguel is Kim’s boyfriend for almost a year now. Di ko masyado gusto ang dating ng lalaking to, alam niyo na birds of the same feather flocks together, pero dahil mahal ni Kim at pinaniniwalaan ni Kim suporta lang din ako sa relasyon nila.

“teka nga, pumasok ko na nga muna at nababasa ka pa rin dyan.”sabi ko sa kanya. Pero ayaw pa rin nito bumitaw sa pagkayakap sa akin. Bakit pakiramdam ko takot na takot siya? Or dahil malamig lang kaya ganun ang kapit niya sa akin. “Kim, tara dito tayo sa loob magusap” bulong ko ulit sa kanya at sumunod na naman siya.

Inupo ko muna siya sa sala ko, umakyat ako sa taas para kumuha ng malinis na twalya at agad agad din bumaba.

“Kim, ito ang towel. Punasan mo muna ang sarili mo, nilalamig ka na dyan, magkakasakit ka pa sa lagay mong yan” abot ko sa kanya ng twalya “magtitimpla lang ako ng mainit na gatas para mainit initan ka naman” paalam ko sa kanya bago tumungoo sa kusina.

Pagbalik ko ay nasa ganun ayos pa rin siya. Ang twalyang inabot ko sa kanya ay hawak niya lang. Nakatulala lang siya at patuloy  pa rin ang pagiyak. Kinakabahan naman ako sa inaasta niya kaya agad agad ko siyang nilapitan.

“Kim, ano ba nangyari?”tanong ko sa kanya pero di niya ako pinansin. Kinuha ko sa kanya ang twalyang inabot ko sa kanya at ako na nagpunas sa basa niyang buhok. Wala pa rin siya kaimik imik. Habang pinupunasan ko siya napansin ko ang pulang pantal sa braso niya, ma. At namumula ang mga pisngi. Dito naman naalarma ako naalarma

“Kim, saan ka ba talaga galing? Akala ko ba ang sabi mo sa akin lalabas lang kayo ni Miguel bakit ka biglang nagkaganyan? Asan na si Miguel?”sunod sunod kong tanong sa kanya. Hinarap ko siya sa akin pero tinignan niya lang ako.

“tama kayong lahat, dapat naniwala na lang ako sa inyo. Hindi dapat ako nagtiwala. Hindi dapat..”sagot niya naman sa akin sa pagitan ng pagiyak niya. Kung meron siguro ako isang bagay na pinakaayaw sa mundo ay ang iyakan ako ng babae sa harap ko, yeah I maybe a heartbreaker pero hindi ko kaya na iniiyakan ako ng babae isa sa mga reason kaya I don’t want to get attached. Pero seeing Kim like this, parang nakalimutan ko yung ganun ugali ko. Nagagalit ako hindi dahil iniiyakan niya ako ngayon pero nagagalit ako sa kung sino man ang gumawa sa kanya nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Basta Alam Ko Lang (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon