Chapter 36

105K 1.6K 128
                                    

~Shayne's POV~

"Tell me, sya ba yung babae Bess?" tanong ni Cielo habang nakatingin sa kausap ni Royce. Hindi sumagot si Sofie at napayuko na lang. So... Sya nga? 

"AISH! Walang hiyang lalaking yan! Dito pa sa campus nag-lantad!" sigaw ni Cielo na halatang gusto nang mag basag ulo kay Royce.

"Bess!" hinabol naming dalawa ni Qim si Cielo na sumusugod kay Royce. Kahit kelan talaga 'tong babaeng 'to!

"Ano ba Bess! Wag ka agad sumusugod! Hindi mo nga alam kung sino yan e."

 

 

"Aba! Kahit na! Nakikita mo na ngang nasasaktan si Sofie dahil sa babaeng yan tapos hahayaan mo lang?" Nakakatakot namang 'tong si Cielo. Parang kakain ng buhay.

 

 

"Pero Bess..."

 

 

"Walang p-pero pero! Makakatikim sakin yang lalaking yan!" 

 

 

"BESS SOFIE!" napatingin kaming tatlo sa tumatakbong Sofie na hinahabol naman ni Tracy.

Mukhang narinig ni Royce yung pangalan ni Sofie kaya hinabol niya rin yung dalawa. Naiwang mag-isa yung babae sa bench kung saan sila nag-uusap kanina.

"Tara puntahan natin si Sofie!" Cielo

"Wag na Bess. Hayaan mo na munang mag-usap yung dalawa tska kung meron mang masamang mangyari nandyan naman si Tracy e."

"But..."

"No but Bess. Tara puntahan natin si Qim dun sa bench, kinakausap nya yung girl." turo ko kay Bess Qim na kinakausap yung babae.

"Yung girl? Hell not Bess! Baka masabunutan ko yan ng walang oras!"

"Your being over-acting Bess. Relax! Hindi pa nga nating alam kung sino sya e. Kaya wag kang gagawa ng masama kundi ako ang gaganti para sakanya. Maliwanag?"

"Oo na!" lumapit kami sa dalawang nag-uusap

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon