"Freedom of speech your face. Hindi mo ba alam na ginagamit ng mabuti ang freedom na 'yan kaya wag mo 'yang magamit gamit na dahilan."

Napatingin kami sa nag-aaway sa may gilid. Si Drake at Ashley pala.

"Ate Sab, why is your bestfriend like this? Napakarude," sumbong ni Ash kay Sab.

Natawa naman si Sab. "Ganyan talaga 'yan. Masungit sa lahat ng babae bukod sa aming apat."

"Feeling gwapo," sabi pa ni Ashley.

"Shut up," sagot naman ni Drake at lumipat ng upuan. Umupo siya sa tabi ko to be specific. Siya ang katabi ko sa kaliwa at si Ken naman sa kanan.

"Chill, Drakey," biro ko pa sa kanya.

"Arte kasi," kunot noo niyang sabi.

"Cute nga, e. Kailan nga pala balik mo ng States nyan?"

"I'll stay here for good, I guess."

"For real?" Tumango siya at ininom 'yung wine niya. "Third year ka na pagpasok di ba?"

"Yup." Actually dapat fourth year na 'yan. Mas matanda lang kasi kami ng isang taon sa kanya. Pero dahil sa nagmigrate sila, nagstop siya muna ng one year kaya nahuli.

Magsasalita pa sana ulit ako pero bigla akong napatingin kay Ate Cass kasi bigla siyang tumayo at pinalo palo ang basong hawak niya ng kutsara.

"Hey, guys. Listen! Since it's a very special day for the eight of you so why don't you get cheesy kahit ngayon lang. Speech naman dyan." Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Ate Cass.

Para na rin hindi masabihang KJ ay sumunod kami.

Tumayo si Ken at nagpasyang siya na ang magsimula. Umubo siya at inayos 'yung collar ng damit niya, "Nagspeech na ako kanina pero itutuloy ko na. Maraming salamat sa lahat sa inyo. Hindi ko inakalang magiging ganito kasaya ang taon ko. At lahat 'to ay dahil sa inyo. Kaya inuulit ko... salamat sa inyong lahat," sabay bow niya at umupo na ulit.

Nagtaas naman ako ng kamay para magsalita. "Ako naman. I know masyado ng gamit ang word na salamat ngayon pero seriously, salamat talaga sa inyo. Sa tulong niyo, nagawa kong ayusin ang problema ko sa sarili ko pati na rin sa pamilya ko. Sa paglipat ko dito, lumaki ang pamilya ko. Hindi lang dahil sa nagkaroon ako ng bagong kapatid at mommy pero dahil na rin nagkaroon ako ng mga kaibigan na tulad niyo. Kaya thank you talaga."

"Josh, ikaw na," siko ni Sab kay Josh.

"Ako agad? Bakit kaya hindi muna ikaw ang – "

"Ikaw na nga 'di ba?"

"Sabi ko nga ako na," kamot niya sa ulo niya. "Ano ba? Wala naman ako masyado sasabihin. Basta masaya lang ako kasi nangyari ang lahat nang nangyari nitong taon. Wala akong pinagsisisihan. Kasi nakilala ko kayo. Zoe, Yannie, Ayu. Lalo ka na Sab."

Bigla namang tumayo ang ngiting ngiti na si Sab. Time na niya. "Una sa lahat, masaya rin ako na nakilala kita Josh na bakulaw. Kahit na puro away at sakit ng ulo lang ang naibigay mo sa akin nung una, napasaya at napapasaya mo naman ako ngayon. Maraming salamat din sa lahat sa inyo kasi tanggap niyo ko. Na kahit ganito ako, sobrang ingay, hindi mapreno minsan ang bibig at magulo, tanggap niyo pa rin ako. Kaya salamat," sabay upo niya pero tumayo ulit. "Yannie, ikaw na."

Natawa si Yannie at tumayo naman. "Thanks. Sab. Uhh. Ano ba ang sasabihin ko? Siguro tulad ng lahat, salamat din. Salamat kasi pinagtyagaan niyo ang katarayan ko at tinulungan niyo akong iwanan na ang kahapon ko. Kasi seryoso, mas masaya ako ngayon." Pagkasabi niya niyan, bigla siyang lumingon kay Xander at ngumiti.

Bigla namang napangiti si Xander at niyakap si Yannie. Napakasweet talaga ng lalaking 'to.

"Thanks, Ma. Masaya rin talaga ako ngayon dahil sa 'yo. Salamat na lang nakilala kita. Buti na lang lumipat kayo ng school. Buti na lang dumating ka sa buhay ko kasi kung hindi baka hindi ako ang Xander na nasa harap niyo ngayon. I'm a mess before, you know that. But thanks to you. Kasi I managed to change."

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon