Panagutan Mo 'Ko! *2*

67.1K 1K 150
                                    

 Panagutan Mo 'Ko! *2*

"Grabe Bes, laki nung bahay," dinig kong sabi ni Cherry. Nakababa na kasi siya ng taxi habang ako naman naghahanap pa ng barya sa bag para sakto 'yung ibabayad ko kay manong driver.

Nasa tapat na kami ng bahay sa binigay na address ni Leighla sa 'kin at tama naman si Cherry, dahil ang laki nung bahay tapos ang daming mga sasakyan na nakaparada sa labas. 'Yung tugtog na nanggagaling sa loob ng bahay abot hanggang sa kinatatayuan namin o baka abot pa nga hanggang sa mga bahay sa kabilang street. May mga tao rin na labas-masok sa gate. 'Yung iba nagkwekwentuhan sa labas tapos may mga kanya-kanyang dalang baso o kaya bote ng beer.

"Bes, mukhang party ng mayayaman 'to ah. Exciting 'to!" sabi ni Cherry sa 'kin. "May mapapala rin pala tayong maganda kay Leighla."

"Tara na. Hanapin na natin sila sa loob," sabi ko naman sa kanya.

Papasok pa lang kami ng gate nang salubungin kami ni Leighla. Kasama niya si Amber 'tsaka 'yung isa pa nilang kaibigan na si Pie.

"Alex! Nandito na pala kayo. Tara sa loob!" sigaw ni Leighla sabay kapit sa braso ko. Natuwa naman ako kasi feeling ko girlfriend ko na siya. Ngayon niya lang kasi ginawa 'yun. Nauna nang maglakad papasok sina Pie at Amber. Sabay kami ni Leighla, habang nakasunod naman sa 'min si Cherry.

Nilingon ko si Cherry "Che, ok ka lang diyan?" tanong ko sa bestfriend ko. Nag-thumbs up naman siya, at dalawang daliri pa. Paikot-ikot 'yung tingin niya sa paligid tapos nginingitian niya lahat ng makasalubong niya.

"Hi," sabi niya sa isang lalaking nakasalubong niya, na nag-hi din naman pabalik sa kanya. Ganyan si Cherry, okay lang kahit iwan, hindi uso sa kanya ang salitang out of place. Kayang-kaya niya 'yung sarili niya. Kahit anong klaseng tao ka pa, kaya ka niyang pakibagayan.

Habang papasok kami, palakas nang palakas 'yung tugtog at ang amoy ng alak patindi rin nang patindi, pati na rin usok ng sigarilyo. Nakakahilo. Pwede naman mag-yosi sa labas, bakit dito pa sa loob? Mas delikado kaya 'yung second hand smoke.

"Sino bang may birthday Leighla?" tanong ko sa kanya, kasi nagpunta kami rito pero hindi naman namin alam kung kaninong party 'to at kung sino ang may birthday.

"Honestly, hindi ko rin alam. Isinama lang kami nung pinsan ni Pie. Basta ang alam ko, friend ng pinsan ni Pie ang may birthday."

"Ahh.. Ganun ba? Okay lang ba na nandito kami kahit hindi invited?"

"Of course! Kasama namin kayo kaya invited na rin kayo. Basta let's enjoy the party na lang." Tapos hinatak na niya 'ko papasok at maya-maya may inabot siya sa 'king plastic cup na kulay pula na hindi ko alam kung ano ba ang laman. Nang amuyin ko, beer pala.

"Leighla, hindi ako umiinom," sabi ko sa kanya.

"Ang KJ mo naman." Dahil sa sinabi niya napilitan tuloy ako uminom, pero konti lang kasi 'di masarap at mapait 'yung lasa.

Sobrang dami ng tao, ang ingay at ang dilim pa kaya hindi ko na alam kung saan nagpunta si Cherry. Siguro nakahanap na ng mga bagong kaibigan 'yun.

"Tara, sayaw tayo!" yaya ni Leighla sa 'kin, kaso hindi ako marunong sumayaw kaya tinanggihan ko na naman siya.

"My God Alex, ano bang alam mo gawin? Hindi ka umiinom, hindi ka sumasayaw," natatawa niyang sabi. "Tara, turuan na lang kita," 'tsaka niya 'ko hinatak, kung saan nagkukumpulan 'yung mga tao at sumasayaw.

Ang kislot sumayaw ni Leighla. Ako, pakonti-konti lang 'yung galaw. "Whooa! Gumalaw ka naman d'yan Alex!" sabi niya sa 'kin, at hinawakan pa niya 'yung dalawang kamay ko tapos itinaas niya. "Dance with me naman," sabi pa niya. Medyo nakakasabay na rin naman ako sa kanya nang biglang humina 'yung tugtog at may nagsalita sa mic.

"Hey Guys! All ears on me muna!" sabi nung babaeng nagsasalita sa mic, kaya tahimik naman lahat at nakatingin sa kanya.

"Ganda niya 'no? Pero gay 'yan," bulong sa 'kin ni Leighla. "Siya 'yung pinsan ni Pie."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Leighla. Mukhang babae kasi 'yung nagsasalita. Mula ulo hanggang paa, mukhang babae. 'Yung kutis ang kinis. 'Yung boses ang tinis. Walang bakas kahit katiting ng pagiging lalaki nito noon.

"Okay, thank you. So, first I would like to greet my bestfriend Joshua a happy, happy birthday." Itinuro pa niya 'yung birthday celebrant na isang lalaki na gwapo pero alam mong bakla kasi pumilantik 'yung daliri saka nag-flying kiss at nag-thank you doon sa nag-greet sa kanya. "And because it's your birthday, nag-prepare kami ng isang surprise for you... Girrrllllsss!"

Lumakas 'yung tugtog. All the Single Ladies ni Beyonce 'yung kanta.

Oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh...

Akala ko mga babae 'yung lalabas, kaya nagulat ako nang mga binabae pala.

Oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh...

Limang bakla ang lumabas at isa-isa na silang nagpakilala.

"Hi I'm Katya."

"And I'm Suzie."

"I'm Brenda."

"Jessica!" tapos nag-peace sign pa siya.

"And I'm Maria!"

Oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh,oh...

All the single ladies, all the single ladies

All the single ladies, all the single ladies

Nagsimula na po silang sumayaw at muntik nang sumakit ang mata at ulo ko sa mga nakikita ko. Naglalakihan 'yung mga katawan nila at makukulay 'yung mga suot nilang damit, wig sa ulo at makapal na make-up.

All the single ladies, all the single ladies. All the single ladies..

Sigawan 'yung mga tao. 'Yung iba tawa nang tawa. Ako, medyo natatawa na rin, kasi hindi sila sabay-sabay kung sumayaw. Isa-isa ko silang tinitignan nang mapatingin ako doon sa Brenda. Painom na sana ako nang bigla niya 'kong kinindatan. Muntik na tuloy akong masamid dahil sa ginawa niya at nakalimutan ko pang beer nga pala 'yung laman ng baso ko.

Ano 'yun? Napatingin ako sa magkabilang gilid ko, pati na rin sa likuran ko, pero puro babae naman ang nakapalibot sa 'kin. Ako ba talaga 'yung kinindatan niya? Type niya ba 'ko? Napagkamalan atang totoong lalaki ako.

"Ayoko talaga sa mga bakla," sabi ni Leighla. "Mga lalaking nagpupumilit maging babae," sabi pa niya, na ikinagulat ko. Ano raw? Mga lalaking nagpupumilit maging babae? Eh ano'ng tingin niya sa 'kin? Babaeng nagpupumilit maging lalaki?

"Anong sabi mo?" kunot-noo kong tanong kay Leighla. Hindi ko talaga nagustuhan 'yung sinabi niya.

"Ah, ano.." Hindi siya makasagot.

"D'yan ka na nga," sabi ko 'tsaka ako umalis pero hinawakan naman niya 'ko sa braso para pigilan.

"Wait, Alex.. Hindi ko si—" 'Di ko na siya pinatapos magsalita. "Ayoko sa mga taong tulad mo." Galit na sabi ko sa kanya at tuluyan na 'kong umalis at hinanap ko si Cherry. Buti na lang nakita ko agad 'yung bestfriend ko kahit ang daming tao. Nakita ko siya na nandoon sa tabi ng table na maraming pagkain. Sarap na sarap siya sa pagkain at sunud-sunod ang subo niya.

"Tara na Cherry."

"Hmm.. makit?" tanong niya sa 'kin habang namumuhalan sa pagkain.

"Lununin mo na nga 'yang kinakain mo. Pati salita mo kinakain mo. Basta, tara na," nagmamadali kong yaya sa kanya sabay hatak sa kanya sa braso.

Bad trip 'tong gabing 'to. Bad trip talaga! Inis na inis ako habang paalis kami ng party.

A/N: Wala pang lines si Brenda.. Landi-landi lang muna,.. XD hehe! :))


Panagutan Mo 'Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon