|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
0
The Gods of Mt. Olympus and the Knights of the Honor Section
(BUHAY SEKSYON WAN) Sulat ni Vash Stampede, halaw sa "Utos ng Hari" ni Jun Cruz Reyes "See you here later after lunch," pahabol sa amin ni Mrs. Good Manners kaninang matapos ang klase. Si Mrs. Good Manners ang teacher namin sa Math. Siya din ang adviser namin. Para naman akong gago na isip ng isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa amin. Nawalan na tuloy ako ng ganang magmeryenda. Halos tiyak ko nang sermunang umaatikabo na naman ito. Ay! Buhay estudyante! Maka-95 ka lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumontra sa kanila, sitentang maliwanag. Tumangu-tango ka naman para pumasa, ibig sabihin ay sarili mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Grade lang naman, problema ba 'yun? Seventy kung seventy, tapos ang usapan, ba't kailangang pahabain pa? Bagsak kung bagsak, ano ba'ng masama doon? Kung bakit ba naman kasi nauso pa sa mundo ang diploma. Sana'y di na nauso ang grades, di sana'y di ako mahihiyang pumasok maski na janitor. Aral ng aral. Aral sa umaga, aral sa tanghali, aral pa ulit sa gabi. Di ko naman naiintindihan kung para saan ang pinag-aaralan. Di na naubusan ng ipare-research. Wala namang alam itanong kundi, "What is our lesson for today?" Parang mga diyos na sila lang ang may may monopolyo ng tama. Di pwedeng tanungin at lalong di puwedeng pagsabihan ng mali. Ay, ang teacher sa mundo, bakit ginawa pa ng kung sinong hayupak? Tulad ni Mrs. Good Manners, bago magsimula ng klase, toni-toneladang announcements at sermon. Ipamumukha ang lahat ng kalokohan n'yo. Kesyo pinagbibintangan daw naming siyang pineperahan niya kami, o inirereklamo daw kami ng lahat ng teachers. Krimen ang mangodiko, kasalanang mortal ang mangopya. Lahat na yata ng masama sa mundo ay alam. Pero ang lihim niya ay buko na naming. 'Pag may contests daw, ang teacher naming morally upright ay biglang nagka-split personality. Nang mag-coach daw, wala pa sa contest proper, alam na ang itatanong. Katwiran daw ay, "Anong sama n'un, matalo man, panalo pa rin. Ba't may magagawa ka ba?" Tapos paiyak-iyak pa siya sa klase minsan. Manigas siya. E sino naman kaya ang puwedeng gawing idolo? Si Mrs. Grammar? 'Yung teacher ko sa English, walang pakialam sa mundo. Basta magamit niya lang ang nalalaman niya sa pronounciation, maligaya na siya sa buhay. Kaya ang papel lang namin, tagapakinig. E si Mrs. Acceleration kaya? Malabo, mahirap kasing kausapin. Ang alam lang kasing wika, 'yung the language of Physics. Puro formulae. Si Mrs. Civilization? Terror daw, pero mukhang mabait. Palibhasa kaugali namin, kaya kasundo namin. Sa sobrang talino. Pati history tuloy naiiba. Sabihin ba namang kaya namatay si Magellan, kasi tanga, nadapa. 'Pag naman kinontra mo, babanatan ka ng "Ows, saan mo nabasa? Who is your authority and where is your data? O dito ang tingin." At isa pa, walang alam punahin kundi 'yung walang uniform at I.D. O baka naman ang paborito ng lahat, si Mrs. Antique? Aba bago magbasa inaalis muna ang salamin. Pero wala namang alam na bokubularyo kundi magaso, krudo at naturalesa. Di na nagsawa sa paggawang katatawanan sa amin. Walang alam ikuwento kundi n'ung unang panahon, n'ung panahon ni Gano't Ganire, n'ung panahong malinis pa ang Haiskul, o n'ung panahong bata pa siya. Tapos magtataka ka pa kung kanino kami nagmana sa mundo. Kunsumihin ka ba naman araw-araw, kapag naging gago ka, nagtataka pa. Kung sa pagtitiis ng kunsumi ay sigarilyo at beer ang mapagbuntunan ng sama ng loob, hayun at sasabihing masama ang alkohol at nikotina. Para na ring sinabing 'pag teacher ka na ay puwede na. Dahil estudyante ka pa, tiis. Itanong mo kay Mr. Discipline at isasagot na pinagdaanan na niya 'yon. Huwag mo nang itanong kung dumaan din siya sa pagiging estudyante, kung noong araw ay naging gago din siya. "Come in, take your seats," sabi ni Mrs. Good Manners matapos kaming ibilad sa may labas ng classroom. "Called you for one reason, your attitude." Idiniin niya 'yung 'your attitude'. Heto na naman kami sa loob-loob ko. Kung bakit ba kasi di na lang ako nagkasakit. Kamakalawa ay halos ilabas na nga ang calculator para ipakita kung gaano kami katanga at kung gaano katama ang pagko-compute niya sa aming mga palakol. Sunod ay ipinagduldulan ang aming mga absences, tapos ay 'yung mga lates. Wag kang kikibo, paalala ko sa sarili. Konting tiis, ngiti ka lang basta. Titigil din 'yan 'pag nagsawa, mauubusan din 'yan ng laway. Pasok sa kaliwang tenga, labas sa kanan. Siya ang teacher kaya feeling niya, siya lang ang puwedeng tama.
|
|||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |