Chapter 66: Last Chapter

2.1M 46.9K 13.1K
                                    

Zoe's Point of View


Two months later...


"Doon na kasi tayo sa horror house. Dali na," aya sa amin ni Sab. Hinihila pa niya ang kamay ni Yannie kaya mukha siyang batang nagpapabili ng kung ano man sa nanay niya.

"Mamaya na 'yan, Sab. Ferris wheel na lang," suggestion naman ni Ayu.

"Mas maganda mag ferris wheel kapag gabi."

"Mas maganda rin pumasok sa horror house kapag gabi."

Bago pa humaba ang usapan ay inaya ko na lang silang kumain na sinang-ayunan naman ng iba. Kapag pagkain talaga ang kalaban, wala na.

Foundation day ngayon kaya para kaming ewan na tuwang tuwa maglibot sa school para maningin ng mga booths. Wala kasing ganito sa dati naming school. Inosente pa. Buti na lang talaga lumipat ako sa school na 'to. Ang saya.


***

Yannie's Point of View


"Nasaan na ba ang mga boys?" tanong ko sa tatlo. Kanina pa kasi kami ikot nang ikot pero hindi namin sila makita.

"Baka nambababae," sagot ni Sab.

Sinamaan namin siya ng tingin kaya iinaas niya ang kamay niya, "Chill lang naman. Biro lang. Subukan lang nila mambabae. Baka di na sila sikatan ng umaga." Magbibiro na lang kasi 'yung hindi pa nakakatuwa. Sa pagkakaalam ko kasi dapat funny ang mga biro.

Napahinto kami sa paglalakad nang may lumapit sa akin na dalawang babae at bigla akong nilagyan ng piring sa mata. "H-hoy! Ano ba?! Tanggalin niyo nga 'to. Wala akong makita." Tatanggalin ko na sana 'yung piring pero hinawakan nila 'yung kamay ko.

"Ate, ano ba 'yang ginagawa niyo sa kaibigan namin?" Boses ni Zoe 'tong naririnig ko.

"Napag-utasan lang po. Saka sumama na rin kayong tatlo. Sali raw po kayo."

"Anong sali? Anong akala niyo? Naglalaro lang tayo ng langit lupa? Ayoko nito. Tanggalin niyo 'to."

"Yannie, mukha namang enjoy 'to. Huwag ka na magreklamo. Just go with the flow."

Alam kong si Sab 'tong nagsasalita. Oo, enjoy 'to, pero ayun ay kung hindi ako ang nakapiring. Buti sana kung nanunood lang din ako.

Pumalag pa rin ako nang pumalag kaya lang napagod din ako kasi hindi naman sila nakikinig. Kaya sumama na lang ako kung saan man nila ako dadalhin. Makaalis lang ako dito, nako...

Huminto kami sa hindi ko alam kung saan at sinabihan ako ng babae na maghintay at magbilang hanggang lima bago tanggalin ang blindfold. Pero syempre hindi ako sumunod at tinanggal kaagad 'yun pagbitaw na pagbitaw nila ng kamay ko.

Kumurap kurap ako para maiadjust ang mata ko sa ilaw at halos mapanganga ako nang makita ko sa hindi kalayuan si Xander na ngiting ngiti sa akin.

Hindi ko alam ang nangyayari kasi may bigla na lang tumugtog na kanta.


♫ Here we stand today

Like we always dreamed

Starting out our life together

The light is in your eyes

The love is in our hearts

I can't believe you're really mine forever

Been rehearsing for this moment all my life

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon