KABANATA 5

253K 3.1K 271
                                    

KABANATA 5

TINA

Pagdating ko sa trabaho, same routine. Kuha ng order ng customer, dala ng order sa table, ligpit ng pinagkainan ng customer, hugas ng plato. Sobrang nakakapagod pero masaya pa rin dahil may mga galanteng customer. Malaki ang tip. Para mawala 'yung ngalay sa likod ko, paminsan-minsan nag-iinat ako.

Pagdating ng alas-otso tapos na ang trabaho ko. Mas maaga akong pinapauwi ni Manang Gloria, para raw may oras pa ako sa pag-aaral ko. Sa totoo lang parang anak na ang turing niya sa akin. Para ko na siyang pangalawang ina rito sa Manila. Biyuda kasi si Manang Gloria at hindi rin sila nag-kaanak ng kanyang asawa, kaya siguro ang gaan ng loob niya sa akin.

Dahil malapit lang naman 'yung karinderya sa bahay, naglakad na lang ako para menos din sa pamasahe. Ang mahal pa naman ng tricycle lalo na kung walang kang kasabay. Pagdating ko sa bahay, napansin kong bukas ang ilaw sa loob. Hindi siguro umalis ang mokong at nag-stay lang sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, nabigla ako sa nakita ko. Teka. Totoo ba itong nakikita ko?! Kinusot-kusot ko 'yung mata ko at inilibot ang paningin sa loob. Ang linis! Paglapit ko sa may lamesa aba may pagkain na rin. Nakita ko si Blake na nasa kama, natutulog. Nilapitan ko siya at pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga kapag natutulog. Parang baby na walang bahid ng kasalanan. Mukhang ang bait-bait na kabaligtaran sa katotohanan.

Bigla siyang kumilos at nagmulat ng mata at nang makita niya ako bigla siyang naupo sa kama. "Nandito ka na pala. Nag-dinner ka na?" Wow. Concern siya sa akin?

"Ano ang masamang hangin na nasinghot mo at ang bait mo ata ngayon? Naglinis ka na, nagluto ka pa."

"Peace offering," nakangiti niyang sagot.

"Hmm... peace offering? 'Yung pagkain ba na niluto mo pwedeng kainin? Baka malason ako d'yan." Siyempre pagkatapos ba naman ng mga nangyari kanina, kaduda-duda 'yung mga pagkain na dadaan sa mga kamay ni Blake.

"Huwag ka mag-alala, hindi ko naman niluto 'yan. Binili ko. Alam mo namang wala akong talent sa pagluluto. Patugtugin mo na ako ng kahit na anong musical instrument o kaya pakantahin ng kahit na ano, huwag mo lang akong paglulutuin at wala talaga akong ibubuga." Aba, aminado siya.

"Okay, at wala rin naman akong balak na magpatulong pa uli sa 'yo sa kusina, pagkatapos ng mga ginawa mo kanina."

"Oo na. Huwag mo na ipaalala sa 'kin nang paulit-ulit. Mabuti pa kumain na lang tayo. Hindi pa rin ako nagdi-dinner. Hinintay talaga kita para sabay tayo." Tama ba 'yung narinig ko? Hinintay niya ako para sabay kami?

"Wow. Sweet mo naman. Na-touch naman ako," sabi ko with matching hawak sa dibdib, smile and beautiful eyes.

"Huwag ka magpa-cute. Hindi bagay sa 'yo. Kumain na lang tayo."

Biglang nawala 'yung ngiti sa mukha ko. Panira ng moment itong mokong na 'to. Bakit nga ba umasa pa ako na may maririnig na maganda mula sa lalaking 'to? Mabuti pa ngang kumain na lang ako.

Nakanganga na ako at hawak ko na 'yung kutsarang may pagkain nang mawalan ng kuryente. "Blake?" sabi ko habang kinakapa ko 'yung plato para maibaba ko 'yung hawak kong kutsara. Ang galaw ng mga mata ko. Tumitingin sa kaliwa't-kanan kahit wala naman akong makita dahil napakadilim. "Blake?" tinawag ko uli ang pangalan niya dahil hindi siya nagsasalita. "Ano ba, magsalita ka naman. Nasaan ka ba?" Natatakot na ako. Ayoko pa naman sa dilim. Nakikiramdam lang ako nang may marinig akong kaluskos. "Blake!"

"Huwag ka ngang duwag." Hay, salamat at nagsalita na rin siya. "Hinahanap ko 'yung cellphone ko sa kama. Ikaw, where's your phone?"

"Na-drain 'yung battery ng phone ko. Bilisan mo naman maghanap d'yan!"

Living Under The Same Roof (The Hottie and The Promdi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon