Chapter Ten-C

91.5K 2.3K 172
                                    

Chapter Ten-C

"Nanalo po kayo Sir, congratulations." Pinunasan niya ang mga luha mula sa mga mata niya habang nakatingin dito. Bahagya itong natigilan habang nakatitig sa kanya. "Sana po masaya na kayo." Mahinang sabi niya sapat lang para marinig nito ang kanyang sinabi. "Ang selfish niyo po ang hilig niyo pong manakit ng ibang tao na hindi niyo kalebel. Uulitin kop o hindi po ako mayaman at hindi ko rin po habol ang yaman niyo. Kung alam niyo lang po hindi ko rin naman po gustong nandito ngayon, naipit lang din po ako. Noong sabihin ni Warren na gusto niya akong pakasalan sinabi ko pong bibilhin ko po iyon pero sinabi niyang ayaw niyang ipagbili at kung gusto kong makuha ang bahay na iyon ay kailangan kong magpakasal sa kanya." Humikbi na siya at sabay punas sa luha mula sa kanyang mga mata.

"Hanggang sa dumating na po sa point na mahal ko na po pala ang anak niyo, mahal ko po siya at maniwala man kayo o hindi siya lang po talaga ang lalaking minahal ko at mamahalin ko at ang tanging lalaki sa buhay ko." Kinuha niya ang picture na kasama ang kapatid niya. "Kung nakuhanan niyo po ako ng picture kasama ang batang ito sana po inalam niyo na po muna kung kaano-ano ko ang batang ito..." napahawak siya sa tiyan niya ng makaramdam ng kaunting sakit doon pero tiniis lang niya. "Siya po ang nawawalang kapatid ko na nawalay sa akin simula pa lang ng ipanganak siya." panay punas niya sa luha sa kanyang mga mata dahil sa sakit na hindi na kaya ng puso niya.

"Kahit na po hindi niyo na sabihin kay Warren ang totoo tatanggapin kop o dahil masyado niyo ng nalason ang utak ng anak niyo. Sana po makita niya kung paano niyo siya sinaktan galit po ako sa kanya dahil hindi man lang niya ako pinakinggan pero mas galit po ako sa inyo dahil nagawa niyong saktan ang sarili niyong anak. Sana po magkapuso naman kayo para sa mga anak niyo at hindi lang sa pera niyo. Kaya panalo na po kayo, wala ng kami ng anak niyo. Sa iyo na uli siya at sana sa susunod na babaeng mapapalapit sa kanya huwag niyo na po sanang gawin sa babaeng iyon ang ginagawa niyo sa akin dahil sa totoo lang po sobrang sakit po."

Inayos niya ang kanyang paghinga. "Sa pag-alis ko po dito pangako ko po sa inyo Sir, hindi ko na po muling lalapitan si Warren. Tatanggalin ko na rin siya sa isip ko basta ipangako niyo po sa akin na kahit anong mangyari pipigilan niyo po siyang makalapit sa akin." Tumingin siya dito tahimik lang ito at nakamasid sa kanya alam niyang pinagtatawanan na nito siya sa loob-loob nito.

"Wala na po akong magiging koneksyon sa inyo pagkatapos nito." Hinawakan niya ang tiyan niya, "Pati na rin ang batang pinagbubuntis ko." Natigilan ito at napatingin sa tiyan niya. "Huwag po kayong mag-alala hindi po niya alam dapat ay sasabihin ko sa kanya ngayon pero heto po ang nangyari. Ito nalang po iyong ganti ko ha, hindi kayo makikilala ng apo niyo. Hindi ko kayo hahayaan na makilala siya at sasabihin ko sa kanya na kaya wala siyang kinilalang ama dahil hindi niyo kami kayang tanggapin. Siguro po sapat na iyon para sa kabayaran ng pagiging selfish niyo. Sa iyo na po ang anak niyo pero sa akin naman itong anak ko, salamat po sa pagsira sa buhay niya hindi pa man siya nabubuhay sa mundo." Yumuko siya dito. "Salamat po."

At saka siya umalis sa bahay ng asawa niya, sa dating asawa niya. Paglabas niya ay agad siyang napaupo sa isang malaking bato at umiyak, noon sinabi niyang he's worth the pain. Akala naman kasi niya bearable lang ang pain pero hindi pala, pakiramdam niya ay papatayin siya ng sakit na nadarama niya ng mga oras na iyon.




ILANG araw na ba ang nakakalipas simula ng umalis si Diana sa bahay nila, para na siyang baliw. Pagkagising niya ay hahanapin niya ito at nalibot na niya ang buong bahay nila saka lang niya marerealized na pinaalis nga pala niya ito. Napabayaan na rin niya ang kanyang sarili, nakakawalang gana namang mag-ayos. Hindi na rin siya nagpupunta sa archer's dahil hindi rin naman siya makapagluto ng maayos doon. Nasa bahay lang talaga siya at nagmumukmok at umiinom.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon