Chapter Ten-B

99.3K 2.3K 227
                                    

Chapter Ten-B

"DALZIEL ROSS!" Hindi niya alam pero natutuwa siya ng makita ang binata habang nasa mall siya. Galing siya sa trabaho niya, her boss two days after her wedding day decided to transfer her to the morning shift kaya hindi na sila nagtatalo ng asawa niya. Sumaglit muna siya sa mall dahil may binili lang siya.

"Ms. Diana—Mrs. Cuevas." Bati nito sa kanya. Ngumiti siya dito ewan ba niya pero ang gaan-gaan ng loob niya dito. "Kasama niyo po ba si Sir?"

Umiling siya. "Hindi. Galing ako sa work ko may binili lang ako." Nakangiting ani niya dito. There's really something in him that makes her want to hug him so much.

"Ganoon po ba? Uuwi na po kayo?"

"Oo, ikaw uuwi ka na ba?" tumango naman ito. "Sabay na tayong lumabas ng mall."

"Okay lang po?"

"Huwag ka ngang maging pormal sa akin."

"Asawa po kayo ng boss ko."

Kumunot ang noo niya. "So? Hindi ba tayo pwedeng magkaibigan at saka magaan ang loob ko sa iyo na para bang magkakilala na tayo dati ang weird no? But I find it really amazing how it feels like I know you kahit na recently lang naman tayo nagkita."

Hindi ito agad nagsalita kaya siya nalang muna. "Ka-apelyido mo pa ang isa sa mga bestfriends ko. Her name is Hexel Marie Domingo." Natigil ito sa paglalakad at napatingin sa kanya. Mukhang nagulat ito sa pangalang sinabi niya. "You knew her?"

"She's my cousin."

Napaawang ang kanyang mga labi sa sinabi nito. "Really? Wow! Ang liit ng mundo but how come? Nag-iisang anak ng lolo at lola ni Hexel ang mommy niya."

"I was adopted, kinuha ako ng lola at lolo ni Hexel sa isang hospital kung saan ako ipinanganak. Namatay ang parents ko sa isang aksidente at hindi na nila natagpuan ang pamilya ng mga magulang ko kaya kinuha nila ako."

"How old are you?"

"Twenty one."

"Tama nga ako sa hinala ko noon na nasa ganyang mga edad ka, kung nabubuhay siguro ang kapatid ko ngayon baka kaedad mo rin siya."

"May kapatid ka? Bakit siya namatay?"

"Pinatay sila, nasa tummy pa siya ng mama namin ng mamatay sila." Malungkot na tugon niya dito. Paglabas nila sa mall ay saka siya napangiwi ng mapansin ang malakas na buhos ng ulan. "Naman kung kailan wala akong payong saka pa umulan." Reklamo niya. "Hintayin ko munang tumila ang ulan Ross."

"Sasamahan ko na po kayo dito." anitong inililis ang manggas ng suot nitong longsleeve.

"Salamat." Natahimik sila saglit ng may maisip na namang itanong. "Saan mo nga pala nakuha ang pangalan mo?"

"My real mother gave it to me."

"Huh? Akala ko ba namatay siya?"

"Patay na siya pero may buhay pa raw siya ng dalhin sa hospital, I was a premature baby then. SInabi niya sa mga nurse na iyon ang ipangalan sa akin dahil iyon daw ang gusto ng papa ko. Iyon ang sinabi ng lolo at lola na nagpalaki sa akin na sinabi ng nurse sa kanila."

Tumango-tango siya. "It's a lovely name katunog ng pangalan ko, you are Dalziel Ross and I am Diana Rose." Tumawa siya sa pagiging coincendence. May sasabihin pa sana siya ng biglang nagring ang cellphone niya. Nag-excuse siya kay Ross dahil si Warren iyon, he asked where she is dahil sa malakas na ulan sinabi niya dito kung saan siya at kung sino ang kasama niya. Tahimik lang ito at sinabing susunduin siya nito.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon