MAG♫ Chapter 36

4.6K 46 9
                                    

<---VOTE NIYO PO!! salamat! hahahha

******

Chapter 36:

 

**renz POV**

Dinala ko na siya sa hospital. Tang ina. Talagang pumunta pa ng school ng mag isa? Pano kung sinumpong siya? Walang ibang tutulong sa kanya. Nakkainis na talga siya. Ang tigas ng ulo. Mas matanda siya sakin ng two minutes pero isip bata.

“eto oh...” sabay bigay sa kanya ng video cam.

Nakahiga na siya ngayon at nilagay nanaman sa kanya ang dextrose. Kinuha naman niya sakin ito at pinanuod.

**rafael’s POV**

Hinatid ako ni renz sa hospital. Sinasabihan niya nga ako. tss. Gusto ko siyang paalalahanan na sa aming dalawa, ako pa rin ang mas matanda. Pero, sabi niya...

“sa sitwasyon na ito, kailangan mo ako... kaya please, isipin mo nalang na sabay tayong pinanganak para di masakit sa pride mo.”

Tss. Sarap niyang iuntog. Ako ang mas matanda pero ako ang mahina physically. Nga pala. Alam na ni mommy ang tungkol dito. At from Paris. Uuwi daw siya ngayon. Tss. Alam kong nag aalala nanaman yun sakin. ayoko na sanang sabihin pa sa kanya kaya lang... nauna na yung yaya ko.

Binigay naman sa akin ni renz yung video cam. Tss. Buti kinuhanan niya. So inumpisahan ko na. una palang parang tinutusok na yung puso ko.

Tss. Walang wala ang pagkasakit ng puso ko pag sinusumpong yung sakit ko sa nakikita kong lungkot sa mata ng mahal ko habang sumasayaw. Alam kong nabigo ko siya sa oras na ito. Lagi ko nalang siyang nasasaktan.

Hindi ko ginusto pero nangyayari.

Makikita mo yung ganda ng sayaw niya. Yung galing. Yung galaw na nakkaindak. Pero... yung mata niya... walang buhay.

Kahit pa panay ang ngiti niya, wala akong makitang saya sa mata niya.

**RENZ’ POV**

Makikita ko sa mata ng kakambal ko yung lungkot. At siguro talagang totoo na kapag nakakaramdam ng pagkalungkot at sakit ang kakambal mo mararamdaman mo rin ito. Naku!

Alam kong nasasaktan siya sa nakikita niya.

My Amnesia Girl (my dreamboy's sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon