Chapter TWO

1.1K 9 1
                                    

After one month. Sa Showtime studio...

Anne: Bye madlang people! Ingat sa pag-uwi! (bulong kay Karylle) Girl, usap nga tayo.

Karylle: H-ha? Bakit, bakit ano yun?

Anne: Basta! Halika sa dressing room.

Dressing room...

Anne: Girl tapatin mo nga ako. May problema ba? Kanina ka pa matamlay. Tsaka namumutla ka ah!

Karylle: H-ha? W-wala, medyo masakit lang ulo ko.

Anne: Karylle... Kaibigan mo ako. Concerned lang ako sayo. Alam mo namang nandito lang ako diba, kaming showtime family mo. Pwede mo akong sabihan kung ano ang gumugulo sa isip mo.

Karylle burst into tears. Anne hugged her while tears flow from her eyes.

Karylle: I'm.... P-pregnant.

Pagkabigla. Walang namutawing salita sa mga labi ni Anne. Hikbi at tangis lang ni Karylle ang maririnig sa room na yun.

Anne: Sinabi mo na ba 'to kay Yael?

Karylle: (tumatawa habang lumuluha) Maniniwala ka ba kung sabihin ko sa yong h-hindi si Yael ang a-ama ng batang to?

Anne: What? Naguguluhan ako. Pwede lang paki-explain?

Katahimikan.

Karylle: W-wala na kami ni Yael. Naki-pagbreak na ako last week. N-nung nag-inuman tayo sa bar,... Nung nagkasama kami pauwi ni V-vice. Dun ko narealize na m-mahal ko na siya. Alam ko mali pero wala akong pinagsisisihan.

Anne: So tama nga ang hinala namin na may pagtingin ka kay Vice. Naku girl Obvious naman sa mga mata mo kung paano mo siya titigan eh! Pero seryoso, sinabi mo na ba to sa kanya?

Karylle: Hindi na. M-may usapan kami na...

Anne: No! Hindi pwede yun! Wag yung sarili ninyo lang ang iniisip ninyo. Alalahanin ninyo, may batang damay dito. Oh siya! Mag-usap kayo ni Vice. Teka tatawagin ko.

*****************

Nag-usap sina Vice at Karylle at sinabi na ni Karylle ang kondisyon niya. Natulala si Vice.

Karylle: Alam ko may usapan tayo. Hindi mo kailangang...

Vice: Sorry Karylle! Naguguluhan kasi ako. Gusto ko munang makapag-isip.

*****************

Mabilis kumalat ang tsismis sa pahayagan, radyo at telebisyon. Halos iisa lang ang isyung tinatalakay. "Karylle, buntis nga ba?"

*****************

=FLASHBACK=

Yael: bakit? Anong problema? Ok naman tayo diba? Bakit ka nakikipagkalas?

Karylle: Ayoko nang maglihim o magpretend na ok ang lahat. Dahil hindi... Sorry, Yael! H-hindi na kita m-mahal.

Katahimikan.

Yael: Si... Vice ba?

Karylle: ???

Yael: Alam kong may gusto ka sa kanya. Lalaki ako. Nararamdaman ko sa bawat kilos mo na may pagtingin ka sa kanya.

Hindi makatingin ng deretso si Karylle kay Yael.

Yael: (hawak sa pisngi ni Karylle) It's o-ok... Naging pabaya siguro ako. Dapat kasi...

Karylle: Wala kang kasalanan. Ako ang may mali. I'm sorry. P-pero siguro dapat mo na ring malaman. Ayokong maging unfair sayo... :( *sigh* B-buntis ako.

Yael: (pagkatapos ng ilang segundong pagkatulala) A-alam na ba niya?

Iling at luha lang ang tanging tugon ni Karylle.

Yael: (niyakap si Karylle) Shhh... Nandito lang ako. Kung gusto mo, ako na lang. Mahal kita K. M-magsimula tayong muli. Kasama ng batang yan.

Karylle: (bumitaw sa pagkayakap at pilit ngumiti) Salamat pero wag na. Hindi rin naman tamang pati ikaw mahirapan dito.

=END OF FLASHBACK=

Vicerylle fan ficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon