Kabanata 5

2M 48.6K 20.3K
                                    

Kabanata 5

First and Only


Pagkatapos kong magpasalamat kay Logan ay umakyat na ako sa tower. I was just too preoccupied to even think if he's fine or what.


'Tsaka lang ako tuluyang natauhan nang nasa loob na ako ng aking condo unit. Ilang tawag galing kay Tessa at Jade ang nasa cellphone ko. Tinext ko na lang ang dalawa na nakauwi na ako para hindi na mag-alala.


Humiga kaagad ako sa kama at nakatulog. Pagod na pagod ako sa lahat ng nangyari.


Inuubos ko ang weekends ko sa pag gy-gym o di kaya ay pag jo-jogging. Normal na ang pakiramdam ko. Sa sobra sigurong redundant ng pagtataksil ni Clyde ay namamanhid na ako. I don't think I love him anymore. Pakiramdam ko nga ay wala na kami. Hindi nga lang opisyal na nag break dahil mahihirapan lang ako.


Kasosyo ng daddy ang pamilya ng mga Prieto. On Clyde's part, ganoon din siguro ang nararamdaman niya. We're both just pressured by our parents...


"Umalis ka na naman ba kasama si Logan Torrealba?" nangingiting tanong ni Tessa sa akin.


Buong team kaming nasa conference room para ipresent ang aming designs for the newest real estate of Trion Corporation. Kabado ang aming supervisor. Kami rin naman, lalo na't ako ang naatasang mag present sa interior design. Design ko kasi ang naaprobahan niya.


"Hindi ganoon ang iniisip mo... Pumunta kami ng QC para bisitahin si mommy..." Hindi ako nakatingin kay Tessa.


Nanatili ang mata ko kay Jade na abala sa projector kasama ang intense naming supervisor. Mas lalo siyang nakakalbo dahil sa pressure na tinutuon sa kanya ngayon. And Jade's there to assist him.


"Ohh! Meet the mom? Anyway, alam mo ba kung kaninong kompanya itong kliyente natin ngayon?"

Umirap ako. I know she'll point that out. "Alam ko. Kaya nga kabado iyan si Architect kasi sa del Fierro ito, hindi ba?"

Nag ngising aso si Tessa sa akin. "Yup. And particularly the Torrealba's corporation, hindi ba?"

Umirap ulit ako. Paniguradong iniisip niyang nandito si Logan? I don't think so...

"Come on, Porsh! The Trion Corporation owns... what? Iyong security services, investigations and all... And I heard na kaya sila nag venture into real estates, kasi iyon daw ang gusto ni Logan Torrealba. So most probably, our client will be him!"


Hindi ako agad umimik ngunit gumapang ang kaba sa akin. Bakit hindi ko iyon naisip? Iyong naiisip ko lang ay parte siya ng Trion, iyong sa mga security services... Hindi ko man lang napag isipan na maaaring siya nga ang mag rerepresent sa buong kompanya ngayon?


"This is their second real estate and I heard it's for the high end customers. I'm sure he'll show up here!"

Umiling ako. "And so?" I tried to sound okay.


Iniisip ko pa iyong huli kaming nagkasama. I lost it there. Masyado akong naging emosyonal sa harap niya. He's a monster and I can't believe I let my guard down around him that time!

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon