Part 17

34 9 7
                                    

Pagbaba ko ay lahat sila nakatingin sakin, taka ko namang tinignan sila isa-isa.

"Bakit?" Taka kung sabi.

"Jusko po! Tatanong kapa kung bakit! Tagal-tagal mong kumilos! Kanina pa kami dito naghihintay sayo!" Pag rereklamo ni Kuya Lex.

"Jusko YANA! Ilang araw kaba di naligo ha!? Bat ang tagal-tagal mong maligo!" Si kuya Johan.

"Mga babae nga dslxaz" Si kuya Dick.

"E paki niyo ba!? Di gumaya kayo!" Sabi ko.

"Masyado kang nag-papakababae" Singit ni Leila.

"Paki mo! Gumaya ka kung gusto! Di yung nakikielam ka!" Inis kong sabi.

"Aalis nalang tayo! Mag-aaway pa kayo" Sabi ni kuya Jun, inirapan ko naman si Leila at aba di nagpatalo umirap din, sarap talaga sabunatan e! yari talaga to sakin pag may oras na!

"Sya tama na nga yan! Aalis na tayo, nagbabangayan pa kayo! Kalaki laki niyo na" Sermon samin. "Sa van kayo sasakay ako sa kotse, may susunduin ako, kasama natin" Dagdag ni kuya.

"Sino naman ha! Yung pinalit mo ba sa'kin?" Tanong ko.

"Pwede din" Sabi nito sabay ngiti sa'kin na nakakaloko.

"Ay di nalang ako sasama" Sabi ko.

"Kung sabunutan at isama kita sa US" Seryosong sabi ni kuya.

"Ito naman parang di mabiro, ito na nga oh, aalis na kami" Sabi ko.

"Hahaha" Tawa nito na parang inaasar pako lalo, pasalamat siya kuya ko siya kung hindi matagal ko na siyang binigwasan!

Isa-isa na silang sumakay sa van at ako ang huling sasakay, tinignan ko naman kung may bakanteng upuan at kamalas malasan nga naman ay last na upuan yung sa likod sa tabi ni Gio. No choice ako kundi umupo sa tabi nito.

Mukhang sinadya nila na magtabi tabi sila at itira ang upuan sa likod, pero okay lang mas gusto ko pang makatabi si Gio kesa sa kanila.

"Yunnn, ohh" Pang-aasar nila sa'kin, nong nakaupo nako sa tabi ni Gio.

"Ulol, manahimik na nga kayo! " Inis kong sabi, tumahimik naman sila saka tinignan si Gio na parang nakakalokong tingin, napatawa naman tong lokong to! Tuwang tuwa pa ata!

"Sungit mo" Bulong nito sa'kin.

"Panong di mag babago mood ko! may nakikisingit!"  Inis kong sabi, pero mukhang rinig ni
leila.

"Ah! Talaga ba!?" Mukhang naninira talaga ng mood tong bruhang to! Sarap sampalin nimal!

Napansin ata ni Gio na masama na ang tingin ko kay leila. "Tumigil kana" Kalmang sabi nito saka hinawakan ang kamay ko.

Habang asa byahe kami at tahimik ang lahat ay itong Giong to ay nanglalandi nanaman, kung saan saan pumupunta ang kamay.

"Landi mo" Bulong ko sa kanya.

"Bat kasi naka-short ka! Nangaakit kaba talaga?" Sabi nito.

"Gago, alangang naka pantulog akong umalis" Mahinang bulong ko.

"Pwede din" lokong sabi nito kaya nakurot ko. "AARRAAAYY" Napasigaw ito sa sakit.

Isa-isa silang tumingin dito sa likod, napatingin din si Miguel at yung dalawang babae.

"Kayo ha! Pati dito sa sasakyan naghaharutan kayo!" Pangaasar nila. "Maawa naman kayo dito sa mga single! Ilugar niyo naman ka sweetan niyo, naiingit kami" Biro ni Kuya Lex.

He Is Always In your Side Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora