Tanong Ng Bayan, Sasagutin Ni Kabayan

692 20 49
                                    

Para sa ikaliliwanag ng iyong kaisipan. Basahing mabuti at isa puso para wala tayong maging problema.

Tanong: Magandang buhay po! Itatanong ko lang, kailangan po bang lumabas ang dugo sa piyesa na aming isusumite?

Sagot: Hindi po kailangang maging literal mga Ate at Kuya. Ang nais po naming mapuna ay ang malikhain mong paggamit sa nasabing paksa. Mas makulay, mas mag-iiwan ng tatak sa mga mambabasa. Kaya kung ako sa iyo, ilabas mo na ang galing mo sa pagkulay, nang masilayan mo ang inaasam mong tagumpay.

Tanong: Ah, gano'n po ba. Sige po, sisikapin kong kultibahing muli ang malikhain kong isip. Pero po, sa tuwing naiisip ko ang dugo, puro patayan at umaagos na likidong ito na lamang ang nabubuo ko. Hindi po kaya sa ganitong genre lang siya nababagay? Ayon po kasi sa nabasa kong mechanics ninyo, kahit ano naman po ay p'wede.

Sagot: Tama ka. Kahit anong genreng iyong mapusuan ay maaari. At hindi kami naniniwalang para lang iyon sa horror. Subukan mong tingnan ang nakatago nitong kahalagahan, baka matumbok mo kung ano ang gusto naming ipaalam.

Tanong: Mahanap nga po 'yan sa diksyonaryo! Baka magkaideya na ako. Siya nga po pala, sa pitong daan at limangpung salita (750), kasama na po ba riyan ang ibibigay kong titulo sa aking akda?

Sagot: Hindi po siya kasama. Tanging ang nilalaman lamang ang sakop ng limitasyong iyon. Kaya malaya ka kung ilang salita ang nais mong ibigay na titulo sa istoryang isusulat mo.

Tanong: Mabuti naman po. Teka, may sinabi po ba kayo kung saan ibabase ang bilang ng mga salita? Sa pagkakaalala ko po kasi, magkaiba ang bilang sa MS word at Wattpad. Alin po ba ro'n ang susundin namin?

Sagot: Kung binasa mo nang mabuti ang mechanics, edi sana hindi ka na nagkakamot ng ulo ngayon. Pero dahil mababait kami, sasagutin pa rin namin ang tanong mong 'yan. Para hindi po mabigyan ng bawas ang kabuuan mong puntos sa hinaharap, gamitin mo ang wattpad bilang basehan kung sumakto ka ba sa pitong daan at limangpung hinihingi na salita.

Tanong: Paumahin naman po. Dinugo po kasi ako eh. Bakit nga po pala may mga pangkat?

Sagot: Gusto namin eh. Masaya kaya ang mapabilang sa isang koponan. 'Wag kang mag-alala dahil may mapapala ka naman sa pakana naming ito. Bawat pangkat kasi ay may isang baliw na nakatoka, iba-iba kada round. Sila ang siyang nag-iisang matino pero baliw na tutulong sa inyo. Ayos ka ba ro'n? Pero 'wag kang masiyadong magsaya dahil kayo-kayo rin sa koponan ninyo ang siyang maglalaban-laban hanggang sa dalawa na lang sa inyo ang matira. At anim naman ang para sa finale.

Tanong: Gano'n po pala 'yon? Ay! Naalala ko lang, p'wede po bang magkumento sa mga akda ng mga kakompetensya ko?

Sagot: Maaari mo namang gawin ang bagay na 'yan. Pero inaasahan namin na alam mo rin ang limitasyon mo. Isa pa pala, hindi ka p'wedeng magkumento sa mismong piyesang ginawa mo, hindi ka rin namin bibigyan ng karapatan upang magpahayag ng iyong saloobin patungkol sa ibinigay na kumento sa iyo ng mga kinuha naming tagahukom. Saka mo na 'yon gawin, kapag nailabas na ang resulta, doon, malaya ka na. Maaasahan ka ba namin diyan?

Tanong: Aba, siyempre naman po! Hindi n'yo naitatanong, mabait po kaya ako. Pero sandali, may isang bagay pang gumugulo sa isipan ko, ano po pala 'yong sinasabi ninyong non-exclusive writer?

Sagot: Ang non-exclusive writer ay isang manunulat na wala pang pinipirmahang kontrata sa kahit na anong kumpanya para sa paglilimbag ng kanyang mga naging akda. Kaya kung isa kang ganyan, malaya kang sumali sa patimpalak na ito. Maaari ka rin namang makigulo, kung isa kang self-published na may-akda, wala naman kasi iyong kontrata na pinipirmahan katulad sa mga eksklusibong manunulat.

Tanong: Ah, 'yon po pala 'yon. Bakit naman po hindi p'wede ang mga exclusive writers?

Sagot: Isa lang po ang sagot diyan, Ate, Kuya, dahil nga po mga baliw kami. Malay mo, maisipan naming pagsama-samahin ang mga gawa ninyo at ipalimbag. Aangal ka pa ba?

Tanong: Ay, hindi po. Hindi po talaga. Sana nga mabaliw na kayo nang tuluyan, para maisipan ninyo ang bagay na iyan. Huli na po, binasa ko po kasi ulit 'yong mechanics ninyo, tapos napatulala ako kasi nakita ko na dapat bago o saktong noong Enero ngayong taon kami naging miyembro ng wattpad. Wala na po ba akong pagkakataon para sumali? Dalawang buwan pa lang po kasi ang itinatagal ng wattpad ko eh.

Sagot: Kung gano'n, hindi ka nga maaaring sumali. Ayon nga sa sinabi mo, iyon ang nakalagay sa mechanics namin. Pero 'wag ka munang maglupasay, may pagkakataon ka pa. Kung may luma kang wattpad account, ipaalam mo ito sa amin. Patunayan na sa iyo nga talaga 'yon para makasali ka pa rin. Sabi naman sa iyo, mababait kami. Malay ba namin kung matagal ka na talagang miyembro ni wattpad at dahil nga sa marami kang problema sa buhay, kaya nakalimutan mo ang kontrasenyas mo't gumawa ka na lang ng panibago. Ayos ba tayo ro'n?

Tanong: Ayos na ayos po! Mabuti na lang at may dati na akong account dito, kaya makakasali pa rin ako. Marami po palang salamat dahil naliwanagan na ako. Ngayon, makakatulog na ako nang mahimbing, habang iniisip ang isusumite kong sining. Kapag may katanungan pa po ako, p'wede pa naman po akong magtanong ulit, hindi ba?

Sagot: Tanungin mo na lahat ng gusto mong tanungin, ikumento ang bagay na nais maliwanagan. Huwag mag-alala, sagot namin ay iyong maaasahan. Sampong araw na lang ang natitira mula ngayon, isulat na ang dapat isulat at huwag kalimutang sundin ang tamang paraan ng pagsusumite. Aasahan namin ang inyong akda. Mas maaga, mas masaya.

Goodluck!

-Team Baliw.

LITERARY OUTBREAK: Survive or Die One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon