Chapter 20

6.3K 111 1
                                    

Chapter 20

Nagtataka siguro kayo kung bakit big deal sa akin kung alam ng kwago ang kulay ng mata ko..

Well..simple lang naman..

Mahirap hulaan ang tunay na kulay ng mata ko..kahit si Shi..sinabi ko lang sa kanya na caramel ang kulay ng mata ko..yung iba naman..tingin nila brown..

Big deal kasi..

Nahulaan nya na caramel nga ang kulay..

Sa isang tinginan lang..

Magulo no?? well..ire-reveal ko sa inyo ang pinakatatago kong sikreto..

Meron akong ginawang listahan..

5 things to obtain my imperfectly perfect love..

yup..imperfectly perfect.. ibig sabihin.. wala akong paki kung hindi xa perpekto.. kung hindi xa ang ideal guy nyo.. kung hindi xa prince charming..ang importante.. imperfect man xa.. ang pagmamahal nya sa akin.. ay ang pupuno sa mga imperfections naming dalawa.. meaning.. perfect love for the imperfects..gets???

at ito na nga ang 5 things to obtain my imperfectly perfect love list..

dapat unang tingin nya ng malapitan sa mata ko.. alam na agad nya na caramel ang kulay nito at hindi brown.. eyes will always be the windows of our soul.. kung kulay pa lang ng mata ko.. hindi na nya alam..paano pa ba ang tunay kong pagkatao??

dapat gusto xa ng pamilya ko.. from my lola hanggang sa mga pamangkin ko.. naku.. compound ata kami.. goodluck na lang kung ma-please nya ang mga tao sa amin..

dapat haharanahin nya ako.. yup..you read it right.. HAHARANAHIN nya ako.. at take note.. dapat kakaiba.. meaning hindi yung katulad ng sa pelikula.. na may kakanta at may mag-gigitara..(tapos..eh.. yung ama nung bida eh bubuhusan ng ihi sa arinola yung guy..hahaha)basta dapat kakaiba..

dapat pupunta kami sa isang garden.. as in super gandang garden.. tapos..yayayain nya akong sumayaw.. walang tugtog.. xa lang ang kakanta.. maganda man o boses ipis yung boses nya,,wala akong paki.. basta kakantahin nya ang "Hanggang" ni wency cornejo..

lastly.. pagsisigawan nya sa buong mundo na ako ang babaeng minamahal nya.. na ako ang huling babaeng may hawak ng puso nya.. na kapag nawala ako.. wala ng silbi pa ang puso nya..kasi ako lang ang nagpapatibok dito.. na mangangako xa sa akin.. na xa ang magiging knight in shining armor ko.. na kahit anong mangyari.. hindi nya ako iiwan..

Grabe.. ang lufet ng listahan ko no?? oo.. ang lufet talaga.. kaya nga kung sino ang makakagawa ng lahat ng yun.. xa na.. ang soulmate ko.. yuck..ang cheesy ko.. well.. hindi man ako pinalaki sa mga fairytales.. tumanda naman ako sa piling ng mga anime shows na ginagawa ng lalaki ang lahat para sa mahal nila.. namulat ako na.. buti pa ang mga vampires pag nagmahal.. eternity ang limit..

At alam nyo na siguro kung anong pinuputok ng butse ko.. oo.. nagawa ni kwago ng di sinasadya ang una sa listahan ko..pero..hahaha.. bago pa ako mag-assume o mahintakutan sa idea na si kwago ang kyohei takano ng life ko.. eh sigurado na ako na never ever nya magagawa ang 4 sa listahan ko.

Ngayon nasa pintuan na ako ng library ng school namin..nakikita ko na ang kwago sa loob..at nakikita ko rin ang mga tingin sa kanya..lalo na ng mga babae..oo gwapo talaga ang kwagong ito.. wala na ako magagawa..

Pumasok na ako..may klase ako tuwing sabado pero tapos na..

"ui.." bati ko sa kanya..relax.. Iexsha.. wag mong isipin yung sinabi nya sayo kahapon..

tumingin lang xa at tumango..umupo na ako sa tapat nya.. at AWARE ako sa tingin sa akin..

tumingin xa ulit sa akin.. "bakit ka dyan uupo?" tanong nya

Imperfectly in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon