100 Steps To His Heart [Ongoing Series]

Dedicated to
aishiteruhachi
spinner.gif

Hi Guys! Promote: Sa mga hindi pa nakakabasa ng first ever short story ko, basahin niyo na po 6 Month Rule. Tapos na siya! :) 

 

**

PROLOGUE

Naramdaman mo na ba yung feeling na mainlove? Yung tipong kapag nakikita mo siya parang nakikipagracing sa kabayo yung puso mo. Yung tipong mapalingon lang siya sa daan mo pakiramdam mo sinadya niya yun at ang ganda mo. Yung tipong kapag itinabi ka sa strawberry mas mapula ka kapag nandiyan siya. At kapag may babaeng lalapit sakanya, sobrang possessive ka!

Yung tipong kahit mabansagan kang stalker ayos lang basta malaman mo kung ano na ang daily happenings sa life niya. Yung bawat status niya sa Facebook at bawat tweet niya sa twitter, para sa’yo may meaning lahat! At kapag may post na nilike siya, lalo na kung babae pala yung nagpost? Naku! Kasama na siya sa list ng mga profile na istastalk mo!

Yung tipong kung saan siya kakain, doon ka na rin. Kung anong mga favorites niya unti unti magiging favorite mo din! At hanggang sa bawat candy wrapper na itatapon niya kukunin mo pa rin, kinabukasan, ayun na, nasa planner! Nakadikit na din!

At aminin mo, at the end of the day, ang dahilan ng ngiti diyan sa mukha mo ay dahil sa taong kinababaliwan mo!

Sabi sa sciene “Only one thing can occupy one space at a given time”

Ang hirap naman noon.

Ibig sabihin, isang babae lang ang pwedeng magoccupy ng puso niya hindi ba? Paano pala kung hindi mo na nga makuha attention niya, may kaagaw ka pa?

Na kahit anong sali mo sa mga activities, kahit anong pageeffort mo sa studies, kahit anong pagpapanda mo at pagiiba ng mukha mo eh.. Sa iba pa rin nakatingin ang mata niya. At kahit masakit, hindi mo makukuha niya yung attention niya. :(

Yung pakiramdam na.. Kung alam lang niya na nageexist ka, e di hindi na niya kailangan tumingin pa sa iba! Kung bakit naman kasi siya pa eh mas mahal naman kita. :|

Minsan kasi hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. At hindi lahat ng makukuha mo ginusto mo.

Eh paano pala kung one day, yung wish mo, yung wish mo na halos every two minutes tumitingin ka sa relo para icheck kung 11:11 na, yung wish mo na lagi mong hinihiling sa mga falling stars na kahit magkandangalayngalay na yung leeg mo makahanap ka lang gagawin mo para makawish! Yung wish mo na inakyat mo pa sa kung anong bundok na nagtutupad ng wish! Yung wish mo na nageffort ka pang gumising ng alas tres ng umaga para makumpleto ang simbang gabi para matupad eh biglang magkatotoo?

Paano kung mabigyan ka ng chance na maipakita sakanya kung anong meron ka? Gagawin mo ba? Magtatake ka ba ng risk? Para makita ka na niya?

O makukuntento ka na sa kung anong meron ka kasi natatakot kang masaktan ka?

100 steps to his heart? Take it? Or leave it? Will you make your own road and let destiny follow you? Or will you follow your destiny to a road where it will lead you?         

This is my story.

However, I just want to warn you.

This is a story about love.... But this is not a love story. Kind of. 

Comments & Reviews (1030)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart

Cast

Victoria Songas Hope Yazon
Nichkhunas Enzo Gutierrez
Changminas Mico Loyola
Kyuhyunas Bryle Ortega
Tifanny as Venice Buenaventura
Seohyunas Chelsea del Mundo
Ryeowookas Miks Ortiz

Who's Reading

Recommended