Chapter Nine-B

86.5K 2.1K 78
                                    

Chapter Nine-B

MASAKIT ang ulo niya ng magising siya, nagtaka pa nga siya kung bakit nakahiga na siya sa isang malaking kama at may nakakumot na sa kanya. She's hugging a very comfortable pillow and she was alone. Alam niyang si Warren ang nagdala sa kanya dito kaninang umaga, sa tantiya niya ay ilang oras din siyang nakatulog. Kung hindi lang siguro dahil sa pagtunog ng cellphone na naka-ipit sa back pocket niya ay hindi pa siya magigising.

Her head was spinning back then, medyo nadisappoint siya ng magising siya pero wala siyang kasama. Wala din si Warren sa buong bahay at alam niyang hindi ito natulog na katabi niya dahil hindi nagulo ang kabilang panig ng higaan. Tumayo na siya at nag-ayos, naisip niyang mas mabuti na rin sigurong hindi niya nakita si Warren ng magising siya because she doesn't know how to face him.

Pagkatapos mag-ayos ay bitbit ang kanyang bagpack ay naglagay siya ng kaunting damit na pwede niyang suotin mamayang gabi pagpasok niya sa trabaho at damit na pwede niyang suotin bukas. Magpapaampon muna siya kay Georgette tutal doon din naman ang punta niya. Pinapatawag sila ni Hexel para sa isang meeting na napakaimportanteng bagay and when their master said it's important, it's really a must.

Napasulyap siya sa tattoo na nasa ankle niya habang nagsusuot siya ng strapped sandals na natatakpan ang kanyang tattoo. Noon hindi naman niya ito tinatago she's really proud becoming a sister and a member of the sisterhood. It's actually a secret code for them na sila lang sampu ang nakakaalam pero sa kasamaang palad may mga tao talagang gustong sumira sa katiwasayan ng buhay nila kaya ang nangyari ay nagulo sila. May mga articles tungkol sa kanila na may wish daw sila, as if naman magicians sila. Because if they really were sa sarili niya gagamitin ang wish na iyon at hindi sa ibang tao. She doesn't even know how it works basta ang alam lang niya ay kaya nilang magbigay ng wish kakaloka lang nakakabuwisit lang din minsan.

Pagdating niya sa bahay ni G ay nandoon na si Chloe, agad niyang binati ang pinakatahimik sa mga kaibigan niya although nasesense na niya na hindi maganda ang aura nito. Naiinggit siya sa ganda ni Chloe, alam mo iyong anak ng mga maharlika sa England, parang ganoon si Chloe. Mahinhin at sosyal na sosyal, hindi pasosyal kundi sosyal talaga. Siya ang tipo ng babaeng gusto mong ipakilala sa mga magulang mo at dalhin sa altar ng hindi ka mapapahiya at magiging proud ka pa.

And now that she's feeling that weird aura around her alam niyang may problema ito and that problem is that guy, ang gwapong lalaki na makalaglag panty na minsan ay sumama dito sa isang medical and volunteer missions nila. Naalala niya pa na noong mga panahong iyon ay okay pa sila ni Warren unlike now.

"Where's G?" Tanong niya dito habang inilalapag nito ang tasa na may lamang kape siya naman ay nanghalungkat ng mga cup noodles sa cupboard ni Georgette. Ganito yata kapag bestfriends mo ang may-ari ng bahay feeling nila sa kanila na bawat laman at alikabok ng bahay nila. "Here." She murmured when she saw her fave chicken sotanghon.

"Nasa ibaba pa may kausap siya." kumunot ang noo niya mukhang alam na niya kung sino ang kausap ni G. Nagsalin siya ng mainit na tubig sa kanyang sotanghon at hinayaan na lumambot ang noodles.

"Kumusta?"

"Huh?"

"You seems off may problema ka."

Tumawa lang ito sa sinabi niya. "I am fine." She rolled her eyes when she heard her answer because they both know na everytime Chloe said that she's fine ay hindi ito fine. Nakakabangag lang, bakit pakiramdam niya ay naiintindihan niya ang problema ng mundo ngayon? She should run for presidency dahil alam niyang malalaman niya agad na may problema ang mga tao sa mundo, kaso huwag nalang kasi malalaman lang naman niya hindi naman niya sinabing sosolusyonan niya iyon.

"You are not fine, is it Rye?"

"How did you know?"

She just shrugged her shoulder and face her friend. "I don't know I just had this feeling na siya ang problema mo."

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon