HUY. (one shot)

5.1K 167 56
                                    

Dedicated kay ate nerdy at ate ara, haha. Idol ko sila. By the way happy graduation mga ate! congrats :D

________

Nasa library kami ngayon, kaya eto BORING, pabulong kana lang nga magsalita, wala pang music! Nagsisisi tuloy ako na sumama pa ako kay Araceli

Nagpunit nalang ako ng maliit na papel sa notebook tsaka nagsulat ng 'I LOVE 010010000101010101011001'   tapos inihulog ko sa tabi ng mesa

"ano nanaman yan Carms? kapag ikaw nahuli diyan, itatakwil na kita bilang kaibigan"

"grabe, takwil agad? tsaka hindi yan, basta ang taong magsasaoli nun saakin(sabay turo nung papel na nasa sahig) ay ang makakatuluyan ko. Hehehe" pabulong kong sabi tsaka na nagkunwaring nagbabasa

"Talaga lang ah. Baka tumandang dalaga ka niyan"

"kamusta? may makakatuluyan ka na ba?" - Araceli

"Aish, it takes time you know?" pabulong kong sabi tsaka ko siya hinarap habang nakapatong parin ang ulo ko sa mesa

"oo nalang po"

Ngumuso nalang ako tsaka tumingin tingin sa mga taong nandito sa library nang biglang umilaw yung cellphone ko na agad ko namang kinuha para tingnan kung sino ang nagtext. Nakapatong lang din kasi siya sa mesa incase na magtxt SIYA.

"sus! porket nagtxt si ano niya, nabuhayan agad." mahinang bulong ni Araceli with a bitter tone. Bitter naman talaga kasi yan.

"Wag ka nga! bitter nito! pwede moral support nalang?" nakangiti kong sabi tsaka ko na binuksan yung message

At as usual 'Huy' nanaman ang unang txt niya. Pero kahit ganun ay kinikilig parin ako

'Bkit?' reply ko naman, habang nagpipigil ng ngiti, nakakahiya naman kasi, baka isipin nila nababaliw na ako

'Asan ka?'

'Library'

'Wow nman, sipag ah'

'Di nman, sinamahan q lng ung clas8 q. hehe, kaw? Asan ka?'

'bhauz, huy pakita kna nga saakin'

'Ayoko nga' 

Bago pala ang lahat magpapakilala muna ako.

I'm Carmela Camille Punayo, 3rd year college, com-sci. At itong katxt ko ay si Archi Cullen. Oh hah! na-amaze ba kayo sa apelyido niya? Pang-twilight lang ang peg.Kaya nga crush ko yan dahil kating kati na ako magpalit ng apelyido. Pero syempre joke lang

Actually classmate ko si Archi sa isang subject which is ICT, simpleng gwapo lang siya na may maaliwalas na ngiti.

Recently lang kami naging txtmate dahil nahihiya talaga ako sakanya. At nag-iipon pa talaga ako ng lakas ng loob para itxt siya pero syempre hindi ako nagpakilala dahil redundant man ay nahihiya talaga ako sakanya.

'Bilis na, pkilala kna,kahit nickname lng, aq klala mo, taps ikw hndi' txt ulit niya

'wag na kac'

'bilis na'

'ayoko po :P ba't kac gsto mo aqng mkilala? Problema mo?'

'wala lng'

'wla nman pla e, edi wag na'

Kinulit ng kinulit parin niya ako hanggang sa sumuko rin siya.Lagi naman yan sumusuko, weak. haha

Maya maya ay inayos na namin yung mga gamit para makauwi narin. Hinintay ko nalang si Ara na ibalik yung libro na hiniram niya at pagbalik niya ay napansin kong may tinitingnan siya sa kabilang mesa kaya napatingin narin ako

HUY. (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon